___
Huminga ako ng malalim at muling bumuntong hininga, binagsak ko ang ulo ko sa mesa bago padabog na ginulo ang buhok!
I'm so frustrated!
"Ayoko na mga teh!" Sabi ko ng nawawalan na ng pasensya sa sinasagutan kong math problem! Nasa library kami ngayon nina Jean at Lili para mag review sa darating na final exam pero hindi naman ako makapag-review dahil sa math na ito!
"Yawa! Mali rin sagot ko!" Ani rin ni Lili na nakunot ang noo sa librong sinasagutan.
"Mga weak. Umayos nga kayo? Try and try lang mga teh masasagutan rin natin ito," Saway ni Jean, bumuntong hininga ako.
"Ba't kasi pare parehas tayong tangengot sa subject na ito? Kung sana may matalino sainyong dalawa manlang eh di sana di tayo nahihirapan ngayon," Aniya ko, tumingin sakin sina Jean at Lili ng masama kaya umirap ako.
Paano nya nagagawang kumalma ni Jean sa krisis na ito? Leche! three days from now ay final exam na namin, at sobra akong naiinis sa sarili ko dahil di ko masagutan ng maayos to!
Alam nyo yung feeling na gusto mo maabot ang isang bagay pero sarili mo mismo ang sumusuko sa sobrang hirap? Yan, ganyan ang nararamdam ko sa lintik na subject na ito. Halos lahat ng subject ko ay na review ko na pero dito sa math lang ako talagang nahihirapan, naiiyak ako sa sobrang inis!
Gusto ko murahin ang nagpa-simuno ng math!
Marunong naman ako mag focus at makinig sa guro kapag nagtuturo sa math subject pero ewan ko ba, ayaw talaga mag sink-in sa utak ko ang tinuturo kahit anong gawin ko, siguro ay ganun talaga kapag di ka masyadong interesado sa isang bagay.
Kahit subukan mo kung di ka naman talaga interesado ay wala rin. Magiging useless rin.
Naisip ko si Elio, naaalala ko na naman yung halik nya at kaharutan namin last week na hindi na naulit pa, sayang. Umiling ako at ngumuso sa nararamdaman na kilig, parang gusto kong mang-hampas ng libro sa kilig.
"Ay leche!" Sabi ko, umiling ako sa kaharutan at pinaalalahanan ang sarili na hindi ngayon ang oras para isipin ang nangyari noong last week.
Focus, focus, focus Zaeiyah! Para sa sarili mo, sa pamilya at asawa mo!
"Teh, baka naman gusto mong magpaturo sa asawa mo? Matalino yun baka naman?" Paki-usap ni Lili sakin, umiling ako, ilang araw na nila ako kinukulit na magpaturo kami kay Elio pero hindi ako pumayag dahil ayoko maistorbo si Elio sa ginagawa nya. Alam kong busy din ang asawa ko sa pag rereview kahit di ko na sya madalas makita na nagbabasa ng notes nya. Puro libro lang.
"I told you! He's busy," Paliwanag ko ulit, umirap sina Jean.
"Busy busy! Ay nako Iyah,"
"Iyah please? Please Iyah!" Si Lili.
Tumawa ako sa inasal nila.
"Sabihin nyo muna na 'Please master.' " Kumindat pa ako bago tumawa. Akmang babatuhin ako ni Jean ng libro ng suwayin kami ng librarian. Tumahimik kami dahil doon.
"Sige na naman oh?" Si Jean na bumubulong na ngayon takot na marinig ng librarian. Nagkamot ng ulo ako bago pumayag.
Ano pa nga ba? Kesa naman sa pare-parehas kaming bumagsak.
"Sige na nga, ampapanget nyo sa lagay na iyan," Sabi ko, nag-apir ang dalawa na tuwang-tuwa sa sinabi ko.
Pagkatapos ng klase namin sa araw na iyon ay sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa parking lot para hintayin si Elio, halos labing-limang minuto kami nag hintay doon nang makita si Elio kasama ang iba pa nyang kaklase, nagtatawanan sila ng mapatingin sa banda namin si Elio, ngumiti ako sakanya ng matamis at kumaway.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...