Chapter 3

16 4 0
                                    

___

Kina-gabihan ay hindi ako makatulog kakaisip sa nasaksihan ko sa locker room. Hindi ako makapaniwala na nagawang sabihin ni Elio ang bagay na yun. Kumirot ang dibdib ko ng maalala ang mukha nyang bigong-bigo at nag-mamakaawa. Nahabag din ako sa umiiyak na Veronica.

Napabuntong hininga ako, ang swerte swerte ni Veronica para ayain sya ni Elio, pero kung ako din ang papipiliin ay uunahin ko muna ang pangarap ko sa buhay. Masarap mag-mahal pero mas masarap sa feeling na may narating ka sa buhay na maipag-mamalaki mo sa sarili mo at sa pamilya mo.

Pero....kung ako ang inaya ni Elio ay sasama ako sakanya nang hindi nag-dadalawang isip. Why? Dahil isa sya sa mga pangarap ko!

Napakamot ako sa ulo sa naisip ko at umiling.

Hindot ka Iyah!

Lumabas na lang ako sa kwarto ng tawagin ako ni Papa para mag-dinner. Habang tahimik kaming kumakain sa hapag ay biglang nag salita si Papa.

"Anak, gusto pala ni Don. Mondejar mag-punta tayo sa mansyon bukas.." Panimula ni Papa, napatingin ako sakanya. Okay lang naman sakin dahil walang pasok bukas sa school.

Wala rin akong assignments na ipapasa. Ay teka di ako sure? Baka meron at hindi ko na naman matandaan.

"Sige po," Sagot ko, natahimik kami ulit sa hapag ng mga ilang minuto. I sighed.

"Papa, ayoko pong mag-pakasal..." Nakayuko kong sabi, narinig ko pag-buntong hininga ni Papa sa sinabi ko.

"Anak, walang problema saamin ng Mama mo yan, nirerespeto namin desisyon mo, hindi ka namin pipilitin sa ayaw mo." Nakangiting saad ni Papa, ngumiti din ako pabalik.

Sobrang nag-papasalamat ako sa sinabi ni Papa, medyo nakahinga rin ako ng maluwag sa saad nya.

Kaya kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-handa ng almusal naming tatlo, si Mama kasi ay nasa mansyon na ulit ng mga Mondejar dahil mayordoma sya. Pagkatapos namin mag-almusal ay kanya-kanya na kaming ayos para sa pupuntahan, kinakabahan ako. Alam ko kasing tungkol sa kasal ang dahilan nang pag-punta namin doon.

Masyadong nakakabigla, like noong isang gabi ko lang nalaman ang tungkol sa kasal tas ngayon ay pag-uusapan na?

Parang ang sarap mahimatay sa mga mangyayari!

Pag-labas namin sa maliit naming gate para gumayak na sana ay sinalubong kami ng driver na pormal na pormal, tauhan ng mga Mondejar.

Napailing ako dahil kaya naman namin makarating sa mansyon ng hindi sinusundo, pero di na ako nag reklamo, sanay na kami sa kabaitan ng mga Mondejar sa pamilya ni Lolo ko. Pero minsan talaga ay nakakahiya na, masyadong mabait samin ang mga Mondejar. Minsan hindi namin matanggihan kabaitan nila dahil nag-tatampo sila.

Mahaba ang naging byahe namin bago nakarating sa mawalak na lumapain ng mga Mondejar, may malaking gate ito na kulay ginto na may nakaukit na Mondejar, kusang itong bumubukas dahil may komukontrol sa loob.

Pagkapasok namin sa malaking gate ay tinahak ulit namin ang mahabang lupain, sa dulo nito ay ang mansyon na ng mga Mondejar.

Tumingin ako labas ng bintana, puro bulaklak at puno ang nakikita ko. May iilan ding mga lalaki na nakaitim na nakakalat, mga guard siguro, sa sobrang yaman ng mga Mondejar dapat lang talaga sila kumuha ng mga bodyguards.

Nag buntong hininga ako. Nakapag-desisyon na talaga ako na tatangihan ko ang kasal kapag napag-usapan iyon ngayon. Marami akong dahilan para tumanggi ngayon.

Una ay dahil ako lang ang nag-mamahal saming dalawa ni Elio.

Pangalawa ay ayoko syang ikulong sa isang sitwasyon na ayaw nya, unfair kay Elio yun at lolokohin ko lang din ang sarili ko kung sakaling matuloy ang kasal.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon