___
Dumating ang unang araw ng foundation day ng school, lahat ay masaya, lahat ay excited sa mga magaganap.
Nagsama-sama ang mga studyante sa main building ng school kung saan may malawak na field. Mga batang nagtatakbuhan kasama ang mga magulang na nanunuway, mga elementarya, junior high, senior high at mga college students na nag-tatawanan.
Ang mga teachers naman ay busy rin dahil paparating na ang mga malalaking bisita ng school, kasama doon ang pamilya ni Elio.
Nasa ilalim ulit kami ng puno ng mga kaibigan ko, dala ko ang gitara ko na gagamitin ko sa pagkanta mamaya.
"Kinakabahan ako mga teh," sabi ko, iniisip ko kasi na ako ang unang-unang kakanta sa stage para sa lahat.
"Sa kapal ng mukhang mong yan kakabahan ka pa?" Takang tanong ni Lili, nag kunwari akong ihahampas sakanya ang hawak kong gitara kaya agad itong umiwas. Tumawa kami.
"Oo nga pala kasama sa mga bisita ang Mondejar ano?" Si Jean. Tumango ako bilang sagot. Pagkakaalam ko ay may share ang mga Mondejar sa school na ito, at ang may ari ng school na ito ay ang asawa ng kapatid na babae ni Lolo Jose na ngayon ay patay na.
"Oh yes! Nandito lang pala kayo!" Napatingin kami sa bagong dating na lalaki na may malaking ngiti. Si Mew na gwapong gwapo sa suot na polo shirt. Ngumiti ako sakanya. Inaasahan ko na talaga ang pag punta nya dahil kahapon pa lang ay nagsabi syang bibisita rin sa school para panoorin ang magaganap.
"Yow wazzup?" Sina Jean, tumayo pa ang mga kaibigan ko at nakipag-apir kay Mew.
"Dito lang pala kayo! Grabe ang lawak pala ng school nyo no? Muntik na akong maligaw buti na lang may mga sexy na babae doon na willing akong sinamahan." Ani Mew na sumasabay ang tingin sa mga babae na sobrang iksi ng palda. Umiling ako.Typical playboy.
"Buti pumunta ka?" Si Lili, tumango si Mew. Close na close na talaga namin si Mew. Madali syang pakisamahan at masayang kasama.
"Yeah. Wala na talaga akong magawa sa condo, atska balak ko rin mag-aral dito next school year, mukhang maraming chikababes eh" Sagot nya. Tumango ang mga kaibigan ko.
"Marami talaga dito, lalo na sa college department daming yummy na boys," Ngiting aso ni Lili. Tumawa ang tatlo sa usapan.
Di ako maka-relate sa usapan nila dahil si Elio lang ay sapat na!
"By the way, nakita ko si Elio, may kasamang chikababe," Aniya pa, nag-pantig ang tenga ko.
"Ano?" Paninigurado ko.
"Charot lang baka kaklase lang nya," Nagkamot si Mew sa ulo.
"Saan mo sya nakita?"
"Doon lang sa tabi tabi," Umiwas sya ng tingin sakin ng pinanlakihan ko sya ng mata.
"Mew?!" Ani ko, tinaas nya kamay nya at umiling!
"Ewan ko okay? Baka hindi nya yun chikababe, alam mo naman ang pinsan ko? Mana sa kagwapuhan ko kaya habulin rin ng babae."
"Kalmahan mo Iyah okay? For sure kaklase lang yon ni Elio,"
"Yeah, wala sa mukha ni Elio ang mangabit,"
"Galit na galit gustong manakit?" Si Mew. Hinampas ko sya sa braso.
Ilang oras pa ang itinambay namin sa may puno bago nagsimula ang event. Pero bago yun ay pinuntahan ko muna sina Lolo Jose at ang parents ni Elio. Nagmano ako sakanila at konting usapan pa ang nangyari bago ako pumunta sa backstage.
Nang nasa malaki at malawak na stage na si Lolo Jose para magbigay ng opening speech ay hinahanap ng mata ko si Elio mula sa back stage. Ang dami tao. Nang hindi ko sya mahanap ay nag text na lang ako sakanya.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...