___
"Iyah saan ka galing? Ang tagal mo," Tanong agad ng mga kasama ko sa table ng bumalik ako sa pwesto namin, I shook my head bilang sagot sakanila.
Nasulyapan ko si Jean na mariin ang tingin sakin, kunot ang noo nya kaya ngumiti ako sakanya at umupo.
Ilang beses akong lumunok para hindi maka-wala ang luha na ayaw kong ipakita sa mga kaibigan ko. Nag-tatawanan sila samantalang ako ay dinadamdam ang nangyari sa loob ng mansyon nina Veronica kanina.
"Are you okay?" Si Jean na hindi na nakatiis, yumuko lang ako at kinagat ang labi, nanggigilid na naman ang luha ko pero ayokong ipakita sakanila.
Please Jean, wag mo muna akong kausapin. Ayokong umiyak, ayoko ayoko ayoko.
"Y-yes, I'm okay." Pumiyok ako sa sinagot ko. Napatigil sa pag-uusap ang mga kaibigan ko at napatingin na rin sakin. Umiling ako sakanila and smiled at them.
Pinipilit ko pagaanin ang sarili pero di ko na talaga kaya, ang sikip-sikip ng dibdib ko. Gusyong-gusto ko nang umiyak.
"Uwi na nga tayo." I stood up and walked away from them, narinig ko ang pagmamadali nila na sumunod sakin. Suminghot ako at nag-buntong hininga. Hindi pa tapos ang party ni Veronica pero wala akong pakialam. Sana pala hindi na ako pumayag sa invitation kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.
"Where's Elio?"
"Wait up Iyah!"
"What happened Iyah?"
"Shh! Tumahimik nga kayo." Si Jean na sinuway sila. Tumigil ako sa paglalakad at pumikit ng mariin.
"Inom tayo?" Nakangiti akong humarap sa mga kaibigan ko kaya napatigil rin sila sa paghahabol sakin. Lahat sila ay nagtataka sa sinabi ko. I pouted.
"Wag na nga lang, uwi na tayo." I sighed. Akala ko ay hindi sila papayag sa gusto ko pero nakita ko na lang ang mga sarili namin na lasing na lasing sa condo unit ni Mew.
"Hayst gusto ko na lang maging halaman, o kaya ibon." Ani ko habang nakatihaya sa sofa ni Mew, nakatingin sa kisame at hawak ang bote na nilalagok ko, suot parin namin ang mga dress namin sa party ni Veronica.
Veronica...ang galing mo talaga.
"Why naman halaman or birdy?" Si Rose na maarteng naka-upo sa single couch, halata na rin ang kalasingan sa magandang mukha nya kaya tinawanan ko sya.
"Halaman, kasi wala lang! Trip ko lang, patayo-tayo lang habang hinahangin at dinidiligan" Ngumisi ako.
"Then, bird kasi malaya!" Dugtong ko pa nang natatawa, umiikot na talaga ang paningin ko.
My alcohol tolerance is low, kaya nakakaisang bote pa lang ako ay hilong-hilo na ako. Ramdam na ramdam ko yun. I don't usually drinking pero iba ngayon, hindi ko talaga kinaya ang sama ng loob ko kay Elio at Veronica.
"Luh teh don't tell me nagsisisi ka na nag-pakasal ka kay Elio?" Si Lili na nakasandal sa balikat ni Ming na lasing na rin, nakita ko ang paggalaw ng balikat ni Ming para alisin ang ulo ni Lili.
"Huh? Paano mo namam nasabi? Kahit ganun si Elio, hindi parin ako nagsisisi," Pumiyok ako sa sinabi.
I truly love Elio, I really really love him....kahit ilang beses ata nya ako saktan mahal na mahal ko parin sya pero tao lang ako, may damdamin, napupuno rin at alam ko kung saan ako bibitaw kung kailangan.
"Oh wag kang pumiyok gurl, kalmahan mo lang," Ani Ming na lalaking lalaki sa suot na long sleeve polo shirt na nakatupi hanggan siko with slacks pero beki na beki sa red nailpolish nya.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...