___
"A-anong? What are you doing here?" Hinihingal ako sa pagsasalita dahil sa kabog ng dibdib ko. Lumunok ako at pilit pinapakalma ang puso ko.
Please heart kumalma ka naman!
May maliit na ngiti si Elio habang nakatitig sakin, namumungay ang mata nya at nililipad ng hangin ang magulo nyang buhok. Nakasuot sya ng white polo na naka tupi hanggang siko nya, ang dalawa butones ay nakabukas.
He looks so sexy! Napaka gwapo parin talaga! Feeling ko may abs na rin sya dahil nakikita ko ang biceps nya na naka bakat sa suot. Lalo syang tumangkad na parang gustong mahiya ng height kong ni hindi manlang ata nadagdagan sa nakalipas na taon. Parang gusto kong sumimngot sa iniisip ko.
Oh come on Zaeiyah? First time nyo ulit magkita pero ganito pa rin ang reaction mo?!
"I'm here to fetch you." Malalim na rin ang boses nya at may halong gaspang yun. Tumitig ako sa mata nya na nakatitig parin hanggang ngayon sakin.
"Why?" I asked. Titig na titig parin sya sakin, pinadaanan nya ng dila ang labi nya at namulsa. Sasagot na sana sya ng marinig ko ang maingay na si Rose na papalapit samin. Kikay na kikay syang tumatakbo.
"Zaeiyah! Wala nang ice- Omg! Elio! Nice to see you again!" Namamangha si Rose habang tiningnan nya si Elio mula ulo hanggang paa na para bang isang model or greek god. Napangisi ako.
I feel you Rose, I feel you.
"Hi Rose, nice to see you again." Ngumiti ang asawa ko kay Rose, napatitig ako sa ngiti nyang iyon.
I miss his smile...so much. Pero hindi ko yun aaminin kahit na kanino.
"Anong ginagawa mo dito Elio? Ay teka! Picture kayong dalawa dali! Para remembrance. Then uwi na tayo para doon tayo makapag-usap sa apartment! Nag-handa si Auntie for celebration at pinapauwi na tayo." Tuloy-tuloy na sambit ng kaibigan ko, sumimangot ako ng pilit nya akong pinapatabi kay Elio. Tinutulak-tulkk nya ako na parang bagay lang.
"Wag na. Uwi na tayo," Tanggi ko, pinalakihan lang ako ng mata ni Rose. Napasulyap ako kay Elio na nakangisi habang nakatitig sakin na pinipilit ni Rose tumabi sakin. Kunwari akong umirap.
Baka sabihin nya nagpapa bebe ako!
"Ay ganda ka girl? Dali na! Graduation naman at para remembrance. Wag kang ano dyan Iyah! Ganda ng view oh. Make ayos your toga." Sabi pa ng kaibigan ko na hindi na conyo. Bumuntong hininga ako at tumabi kay Elio. Lumunok ako ng magdikit ang braso namin. Nasa likod namin ang Eiffel Tower. Si Rose naman ay nasa malayo, hawak ang cellphone ko. Kumindat pa ang bruha sakin.
"Say cheese!" Sigaw ni Rose, ngumiti ako ng pilit at tuwid na tuwid akong tumayo sa tabi ni Elio. Di ko maiwasan di sumulyap sakanya, ramdam ko kasi ang titig nya sakin ma lalong nag-papakaba sakin.
"B-bakit ka nakatitig? Kanina ka pa hah." Namumula ako. Ngumisi sya sakin. Umihip ang malamig na hangin dahilan para sumabog ang buhok kong mahaba. Halos mapangiwi ako ng mapunta yun sa bibig ko.
Tumatawang tinulungan ako ni Elio ayusin at sakupin ang buhok kong wala na sa ayos at pagkatapos ay pa-simple nyang hinaplos yun ng may maliit na ngiti.
"Omg! Perfect! Stolen shots! Elio! Akbay your wife! Ang ganda ng view nyo oh!" Utos pa ni Rose, nakangiti naman si Elio at inakbayan nga ako. Feeling ko tumigil ang paghinga ko dahil dikit na dikit na kami.
"Iyah girl? Para kang pinag-bagsakan ng Eiffel Tower sa itsura mo! Smile ka naman! Elio akbay pa!" Halos mapairap ako sa makulit kong kaibigan. I heard Elio's chuckled. Kinuha nya pa sa ulo ko ang toga cap na suot ko at nilagay yun sa ulo nya. Pinigilan kong mapangiti ng mapatingala sakanya na suot ang toga cap ko.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...