Chapter 20

27 5 0
                                    

____

Nangingiti ako habang naglalakad palabas ng airport, hila-hila ko ang maliit kong maleta. Rinig na rinig ko ang four inches kong takong kada hakbang ko. I feel so powerful because of that.

Sobra kong namiss ang bansa. Namiss kong makakita ng mga taong kasing tangkad ko lang, sa France kasi ay halos hanggang balikat lang ako ng mga tao doon. Out of place talaga ang height ko. I also miss the traffic and the food.

Feeling ko nga sa sobrang pagka-miss ko sa Pinas kahit ang usok ng jeep ay sisinghutin ko kung sakali. Excited na rin akong makita ang pamilya at mga kaibigan ko. Alam nilang ngayon ang uwi ko kaya ang laki ng ngiti ko ngayon.

I miss the warmth of my favorite persons!

"Nagugutom ka ba? Do you want to eat first hmm?" Tanong ng katabi kong si Elio, bitbit nya ang isang malaki kong maleta at sakin naman ay ang maliit. Medyo nauuna akong mag-lakad sakanya. Gwapong-gwapo sya suot na simple gray shirt at kupas na maong. Lahat na lang ata ay napapansin ko sa lalaking ito.

"No." I shook my head as an answered. Pagkalabas namin sa airport ay may nag hihintay na sa amin na sasakyan, agad akong pinagbuksan ng driver matapos ko magpa salamat. Tumabi sakin si Elio na seryoso ang mukha, di ko na lang sya pinansin at tumingin sa labas ng bintana.

Simula kahapon ay hindi ko na sya pinapansin. Sa totoo lang ay nahihirapan akong gawin yun dahil miss na miss ko na sya pero pinipilit ko dahil alam kong masasaktan na naman ako sa huli.

Kung alam ko lang na magtatagal ang relasyon nila ni Veronica sa nakalipas na panahon ay sana pala sinubukan ko na syang alisin sa sistema ko noon pa, pero huli na para magsisi para doon kaya naisip kong ngayong nakabalik na ako ay sisimulan ko ng kalimutan sya.

I'm a strong independent woman now kaya may tiwala na ako sa sarili ko na maaalis ko sya sa sistema ko, lalo na ngayon na determinado ako.

Kapag determinado ako sa isang bagay, alam kong maipa-panalo ko yun at isa pa, hindi na ako teenager para mag habol-habol sa asawa ko. I'm matured enough para gawin pa yun. Mas gugustuhin ko na lang na mag-focuse sa trabaho.

Halos tatlong oras ang byahe namin papunta sa Mondejar mansyon, doon kami unang pupunta. Nakatulog pa ako at nagising na lang sa nararamdam kong haplos sa pisnge ko. Napa-balikwas ako ng upo at medyo umatras kay Elio na medyo dikit na saakin, naiwan sa ere ang kamay nyang humahaplos sa pisnge ko.

"Malapit na tayo." Saad nya, lumunok ako sa titig nya. Hindi ko alam kung bakit pero napapansin ko ang madalas na pagtitig nya sakin simula kahapon. Why is that? May mali ba sa mukha ko?

"Alam ko." I answered. The side of his lips lifted because of that.

"Ang sungit." Bulong nya na hindi ko narinig.

"Pwede ba umurong ka? Ang laki ng space mo. Naiipit ako." Mariin kong sabi pero ang totoo ay hindi na talaga ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Agad syang sumunod sa utos ko at umurong sa kabilang side. Napailing ako sa sarili nang maramdaman kong parang may kulang na sakin nang umurong sya.

"Oo nga pala Elio, tungkol sa annulment. Hindi ko muna yun maaasikaso kas-"

"Stop talking about the annulment please. Walang mag hihiwalay." He sighed. Napatitig ako sakanya, may lungkot akong naramdaman sa boses nya pero binalewala ko yun.

"Walang maghihiwalay? Eh naghilaway na nga tayo diba?"

"Yun na nga, naghiwalay na tayo kaya hindi ako papayag na maulit yun." Sagot nya. Umawang ang labi ko.

"A-ano bang gusto mo ah?" I hissed, napatingin ako sa salamin ng sasakyan, buti na lang ay focus si Kuyang driver sa kalsada pero alam kong naririnig nya ang usapan namin.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon