HULING KABANATA

25 5 0
                                    

______

Elio's POV

She ain't got no money

Her clothes are kinda funny

Her hair is kinda wild and free

Napangiti at napailing ako ng maalala ko ang asawa ko sa pinapakinggan kong kanta na tumutugtog sa bar na pinuntahan ko.

Damn! I miss her already. Wala pang isang araw ng umalis sya patungo sa Paris ay miss na miss ko na sya agad. Miss ko na ang ka kornihan nya.

Alam ko masama ang loob nya sa ginawa kong pagpayag nyang umalis pero alam ko rin na maiintindihan nya ang naging desisyon ko sa tamang panahon.

Napatingin ako sa litratong nyang hawak-hawak ko. Tinungga ko ang alak. She looked funny in this picture. Naka wacky sya doon samantalang ako ay nasa likod nya. Ang ganda nya. Napaka inosente, para syang angel na bumaba sa lupa para lang magpakita sakin at baliwin ako. Sya lang ang bukod tanging babaeng kayang-kaya akong pakiligin.

My pure little beauty.

She talks kinda lazy

And people say she she's crazy

And her life's a mystery

Yeah, she's crazy! At sumasaya ang puso ko sa tuwing naiisip kong baliw na baliw rin sya sakin tulad ng pagka baliw ko sakanya.

I'm a lucky fella

And I've just got to tell her

That I love her endlessly

Right! I'm the luckiest fella when I married her. One of the best decision I've ever made. Ang tanga ko lang dahil paniguradong hindi ko naiparamdam sakanya ang pagmamahal ko. Sa tuwing sumasagi sakin ang kanyang mukhang punong-puno ng luha ay hindi ko maiwasang hindi magalit sa sarili ko.

Ayaw ko syang umalis pero kailangan kong ipagtulakan sya dahil nakikita kong ako ang distraction nya sa pag-aaral.

Napailing ako ng maalala ang una namin pagkikita. Nakaupo ako noon sa malaking sala namin sa Mondejar mansyon nang makita ko ang batang tumatakbo. Inayos ko ang salamin sa mata at inirapan sya.

Ang ingay naman ng bulilit na ito!

"Hi crush ko!" Ani ng matinis ng boses na iyon. Ang liit pero napaka tinig ng boses.

Napatingin ulit ako sa bata ng magsalita sya. Malawak ang kanyang ngiti.

Bungi pa nga.

Kamukha nya si Dora pero sya ay bungi at si Dora the explorer ay hindi naman. Parehas pa silang naka orange. 

Atska wait, crush? Batang ito! We just met one hour ago and she already has the guts to call me her crush?!

"Stay away from me!" Masungit kong sabi bago lumipat ng pwesto. Kanina pa sya tabi nang tabi sakin habang iwas naman ako ng iwas sakanya. Ngumuso si Dorang bungi pero di ko na lang sya pinansin.

Ang cute nya sana pero naiinis ako sa pagtawag nya saakin ng crush. Ang bata-bata crush crush na agad nasa isip? Cocomelon pa ata pinapanood nito eh.

Annoying!

Sa pangalawang pagkikita namin ay sobra-sobra na talaga ang pagkairita ko sakanya. Napaka liit pero napaka likot. Lahat ata ng sulok ng bahay namin ay nasiksikan na nya.

Napaka ingay pa ng bungi na ito!

"Help mo ako sa math ko?" She asked habang hawak ang notebook nya, may hawak rin syang mga colors this time. Nakangiti sya sakin kaya kitang-kita ko ang chocolate sa kanyang ngipin at ang kanyang bungi.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon