Chapter 21

27 5 3
                                    

___

Lumipas ang isang buwan ko dito sa Pilipinas, laking pasasalamat ko dahil madali akong nakapag adjust sa lahat, lalo na ang body clock ko. Nakapasok rin ako sa clothing line ni Auntie Amarah, tuwang-tuwa ako sa sarili ko dahil feeling ko ay wala na akong mahihiling pa sa buhay pero ang totoo ay may gusto pa talaga akong makuha, ang magkaroon ng sariling pangalan sa larangang ito. Total ay libreng lang naman mangarap kaya lubos-lubusin ko na, pero sa ngayon ay kontento na muna ako sa tinatahak ko at nag-eenjoy.

"Uy, have you read Ming's text? Baklita is brokenhearted na naman and I'm so like nag-aalala to him!" Napalingon ako kay Rose ng bigla syang mag-salita sa tahimik naming working place. Nakayuko sya at may hawak na shear scissor para sa mga telang ginugupit nya.

Busy ang buong team sa kanya-kanyang trabaho kaya nang magsalita si Rose ay halos mapatalon pa ako sa gulat. I smiled at her as I removed the tape measure around my neck.

"Oo nabasa ko. Ano ba nangyari doon?" Umupo na ako sa mesa ko nang mag-sabi si Rose na mag-15 minutes break muna ang team. Agad naman nagsi-alisan ang iba namin kasama para bumili ng makakain. Hinilot ko ang paa kong medyo nangangalay na sa kakatayo.

"I don't know! Sabi ko kasi kay bakla, maging lalaking na lang sya again pero ayaw makinig, ayun broken si baks" Umiling pa sya sakin. Tumawa ako sa tinuran nya, 2 week ago ng umuwi dito si Rose sa Pinas, sya ang head designer ng Team at sya rin ang pinag-handle ni Auntie Amarah ng boutique dito. Sobrang busy ng araw na to dahil may mga new designs na inaprobahan si Auntie Amarah sa darating na Fashion Show ng Amarah's boutique. Two months from now ay gaganapin na event kaya lahat sa team ay sobrang busy.

"Broken hearted na naman? Eh pang-apat na itong pang broken hearted nya ah? Ibang boyfriend na naman?" Tumawa kami ni Rose ng tamango sya. Kaloka talaga si Ming, sobrang rupok ni Bakla kaya isang buwan pa lang ako dito sa bansa ay naka tatlong break-up na sya, mukha pang-apat ang ngayon, kawawa naman ang kaibigan ko.

Pagkatapos ng 15 minutes na break ay naging busy na ulit ang Team sa boutique, ang daming gawain pero di ako nakakaramdam masyado ng pagod dahil gusto ko ang ginagawa ko. Natutuwa rin ako sa mga ka-trabaho ko dahil lahat sila ay mababait at madaling pakisamahan, at kita ko rin na nag e-enjoy sila sa trabaho kaya lalo akong ginaganahan makisama. Madaling lumipas ang oras, nang magsi-ayos na kami ng mga gamit namin para umuwi ay saka naman ako naka ramdam nang sobrang pagod.

Nang mag close ang shop ay agad akong umuwi. Pinaalala pa sakin ni Rose ang tungkol sa pag-punta namin sa bar that night bago kami naghiwalay. Nag-oo lang ako sa paalala nya kahit gusto kong tumanggi dahil sa pagod pero binawalan ko ang sarili ko. Kawawa naman si Ming kung di ko sya dadamayan.

Isang oras lang ang tumagal ang byahe ko pauwi para makarating ako sa condo unit namin ni Elio, I sighed deeply bago pumasok sa loob. Lumunok ako.

"Hey!" Nabigla ako ng maabutan si Elio sa may sala, nakasuot ng salamin at nagbabasa ng libro. Bakit parang ang aga nya ata dumating ngayon? Usually kasi ay halos alas-nuebe na sya dumadating mula sa medical school. Hindi pa sya graduate pero tapos na nya ang four years college kaya ngayon ay nasa med-school na sya which is aabutin pa ng mga dalawang taon bago sya maging gana na doctor.

Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit hindi pa sya ganap na doctor pero na-realize ko na hindi madali ang pag do-doctor kaya mas higit na maraming taon ang kailangan nilang pag-aralan kesa sa ibang kurso.

Sa ganap ni Elio ay marami-rami pa syang papasukin na sinulid bago  maging ganap na doctor pero alam ko naman na easy lang yun sakanya. Matalino sya, at alam kong kayang-kaya nya yan! Another sana all!

Isang buwan ko na rin sya iniiwasan, papansinin ko lang sya kung sya ang kakausap sakin. Buti na lang ay busy talaga ako kaya madali sakin ang pag-iwas sakanya.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon