Chapter 24

19 3 0
                                    

____

Ibang kwarto ang napasukan ko. Imbes na sa kwarto ko ay sa kwarto pa talaga ni Elio.

Pagkakataon nga naman!

Naiinis kong binuksan ang pinto ng biglang tumambad saakin si Elio na akma ring papasok sa kwarto. Galit ko syang tiningnan samantalang sya ay kinakalma ang sarili.

"Anong ginagawa mo rito?!" Bulyaw ko. Tinaasan nya ako ng kilay saka namaywang. Pinasadahan nya ng haplos ang buhok nyang dumikit sa kanyang noo dahil sa pawis sa pagtakbo.

"This is my room." He smiled. Umismid ako.

Oo nga pala!

"Alam ko! Kaya tumabi ka dyan! Lalabas ako!" Lalagpasan ko sana sya para makalabas ng maingat nya akong itulak papasok sa kwarto. Napaatras ako ng tuluyan na syang pumasok at sinarado ang pinto sa likod nya. Napalunok ako.

"Lalabas ako sabi eh!" Pilit ko syang tinutulak pero halos hindi sya gumagalaw sa kintatayuan nya. Ang laki nya. Naka-yuko lang sya sakin habang naka nguso na para bang natutuwa syang galit ako. Pansin ko na naman ang pamumula ng kanyang tenga. 

"Let's talk hmm? please?" He softly said. Hinawakan nya ang aking siko kaya umatras ako palayo.

Damn, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kuryente sa katawan ko tuwing hahawakan nya ako.

"Ayoko makipag-usap sayo. Hindi ka naman jonaxx boys!"

"Huh? Jonaxx? Who's Jonaxx?" Kunot-noo nyang ani. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko lang. Galit ako dapat.

"Tumabi ka." Malamig kong sabi.

"Ayoko. Mag-usap muna tayo." Matigas nyang ani.

"Ayoko makipag-usap sayo. Lalabas ako. Tabi!"

"Walang lalabas sa kwartong ito nang walang nangyayari." Aniya pa.

"Huh?" Napamaang ako sa sinabi nya. He groaned saka napatampal sakanyang noo na tila ba nahihirapan makipag-usap sakin.

I sighed. Gusto ko na itong matapos. Pagod na ako.

"Okay fine, ano bang gusto mong pag-usapan?" Umupo ako sa kama nya at humalukipkip habang naghihintay ng sagot mula sakanya.

"You called me jerk a while ago. Youbare mad. Why?" Sumandal sya sa pinto nyang nakasaradi habang nakapamulsa. Titig na titig sya sakin. Parang hindi na sya kumukurap sa pagtitig sakin.

Humalukipkip ako nago sumagot.

"Hindi ako galit no. Ang sakit nyo lang kasi sa mata." Ani ko, umayos sya ng tayo sa naging sagot ko.

"Are you jealous?" Bulong nya na rinig ko naman. Nagdikit na ang dalawa kong kilay sa galit at inis sa sarili at sa dalawang mga malalanding nakita ko kanina.

"Ba't ako mag-seselos eh di naman na kita mahal." I coldly said. I saw how his eyes became dark and cold and....sad.

Naglakad sya palapit sa pwesto ko saka yumuko para hawakan ang mga kamay ko, napatayo ako dahil sa paghila nya. Hinawakan nya agad ang bewang ko saka hinaplos ang pisnge ko. Halos mapapikit ako.

"Bawiin mo ang sinabi mo." He sighed. Pinagdikit nya ang pisnge naming dalawa na para bang hinahaplos nya ang pisnge ko sa pamamagitan ng pisnge nya.

"Ayoko. Hindi naman na talaga kita mahal." Pagmamatigas ko. Lalo nyang akong nilapit sa katawan nya.

"Bawiin mo yan."

"Ayoko."

"Please."

"Ayoko nga-" Naputol ang sasabihin ko ng sinakop nya ang labi ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Kita-kita ko ang pagpikit nya.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon