02
Camila’s POV
Umawang ang labi ko nang makitang 7/11 nga ang lugar napuntahan ko. Nagtaka naman kaagad ako kung tama ba talaga ang address na ibinigay sa akin ng kaklase ko. Parang imposibleng dito ang bar dahil convenience store ang nasa harapan ko. Napailing na lamang ako sa pagkabigo.
Nangunot ang noo ko, at napasilip sa 7/11, hindi naman ito mukhang bar. Lalo naman akong nagtaka nang may pumapasok doon na grupo ng mga tao, lahat sila ay mga nakaporma, at ang kanilang mga suot ay angkop sa mga mag-pa-party.
There are about eight of them. May kasama silang tatlong babae. Mukha pang magkaka-block sila na lumabas lang pero hindi talaga sila magkakatropa or something. Ewan ko, hindi ko alam. Assertion ko lang yon.
Siguro balak din nilang mag-chill out bago rin sila gumawa ng sandamakmak na school works na ibinagsak ng school nila. Hindi na nakakapagtaka iyon. Lahat ng graduating students ay maggagahol na naman sa oras, twenty times sa paggagahol naming noon.
I walked towards them, and out of curiosity, I asked one of them. “If you don’t mind me asking, where are you heading to?” I asked, full of curiosity.
Medyo maputi, matangkad, may hitsura naman, at mukhang naglilight work out pa dahil sa kaniyang braso. Ito yung bagong meta ngayon, e. Biceps. He was wearing a white shirt with a design on the chest part, and a pair of black shorts. Simple lamang ang suot niya, ngunit masasabi ko namang malakas ang dating nito, lalong lalo na sa mga babae. Nang tignan ko ang sapatos niya, saka ako napangiwi. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang aking pagngiti.
Louis Vuitton, that’s a little bit oldy.
His friends looked at me, I got their attentions too, obviously. Yung tingin naman ng iba ay medyo nangangasar pa. Itong tingin naman ng lalaking nasa harapan ko ay nagtataka na medyo naiirita. Napairap ako dahil sinusubukan niya ang pasensya ko.
Hindi ba siya sanay na may lumalapit na babae sa kaniya? Sa appeal niyang iyan, hindi na ako magtataka kung marami ng babae ang nahulog sa kaniya.
“Inside.” He answered simply.
I formed an “o” because of that. “With that kind of clothes?” I asked, full of doubt.
It just couldn’t be processed by my mind na papasok silang nakaganyan. You knew it, maporma, overdressed, lalo na kung convenience store lang naman ang papasukan niyo. Mukhang na-offend ko yata ang lalaki dahil sa naging reaksyon nito. It wasn’t my fault that I am this confused.
He raised a brow when I asked that. Agad namang nakisabat ang isa pa nitong kasamang lalaki. He has dimples on his face, he is white and tall. But, I felt something weird in here so I became anxious for a while.
“Pare, itabi mo, ako na.” nagyayabang na anang nito saka humarap sa akin. “Ah, wait, Miss.” He told me while smirking.
I raised a brow as he looked at my face. “Naliligaw ka ba?” Pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuuan. Sa ugali kong ito ay ganun din ang ginawa ko sa kaniya. Mula ulo hanggang paa ay tinignan ko siya nang maigi.
I slowly shook my head in response. “No. I was getting confused. I couldn’t find the bar in this place.” I told them.
I had no choice, so I stated them what was my purpose is. Napakamot naman sa ulo iyong lalaking nagtanong sa akin. I was like, shocked, I guess, when they all laughed at me. Ano bang nakakatawa roon?
“Oh, haha, what’s the matter?” I awkwardly laughed a bit, getting ashamed of myself.
“Pare, wala akong baong English ngayon. Bagsak ako sa subject na yan nung elementary, e. Ikaw na nga lang.” Itinulak nito ang kaibigan para mag-take ng turn.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
General FictionIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...