09
Camila’s POV
“Pasensya na po, hindi po talaga niya ako pinapapasok para linisin yung k’warto niya. Ilang araw na po siyang nagkukulong d'yan. Pinuntahan na rin po siya ng kaibigan niya pero hindi naman po niya pinagbubuksan. Kinuha niya rin po yung spare key na binigay niyo sa akin.”
Narinig ko ang boses ni Yaya Mila sa labas, sigurado akong may kausap siya. Nagliwanag ang mukha ko nang maalala ko si Gavin. Baka si Gavin na iyon.
Umawang ang labi ko nang makita si Mama na pumasok sa kuwarto ko, nagtataka at magkasalubong na ang kilay. Nagmamadali at aligaga akong nagligpit ng mga kalat, pero nagulat ako sa sigaw niyang iyon dahilan para mabitiwan ko ang mga gamit at sa muling pagkakataon ay nahulog iyon.
Hindi na ako binitiwan ng panghihina. Ikatlong lingo na ito, kaya mas lalong lumalala ang pag-aalala ko dahil unti-unti na ring kinukuha ng sakit ni Gavin yung kabuuan ng lakas niya.
“Anak!”
Binuksan niya ang ilaw sa kuwarto ko. Gulat ang naging ekpresyon ng mukha niya habang nililibot ang paningin sa buo kong kuwarto. Inilibot ko rin ang paningin ko sa kuwarto ko. Napakarumi nito, makalat, disorganized ang mga gamit, at kung saan saan na lang din nakalagay yung mga gamit ko. May mga pagkain pang hindi ko na naubos at nabulok na lang.
Lumapit siya sa akin, naghahabol ang hininga. “Camila..” Niyakap niya ako nang biglaan. Naghuhurumintado siya, tila matinding pag-aalala talaga yung nararamdaman niya ngayon. “Camila.. Anak ko...”
I couldn’t stream a tear, I could not even respond sa mga bawat salita na binibitiwan ni Mama. I remained silent. Paulit-ulit lang naman lahat ng nararamdaman ko, Ang kaibahan lang ng mga iyon ay pabigat sila nang pabigat habang nagdadaan ang mga araw.
“Stop loving Gavin, anak...” She whispered to me as she let me go.
My lips parted when I heard what my Mama said. “Anak... Oo, alam kong masarap magmahal, pero masakit din iyon.” Her brows furrowed. She pointed at my heart, softly. “At, iyang pagmamahal na nararamdaman mo ngayon ay mas dodoble ang sakit sa oras na mamatay si Gavin.”
“Ma! Hindi po mamamatay si Gavin!” malakas na saad ko, mararamdaman ang sakit nang magsalita ako.
Napapikit siya saglit saka siya muling dumilat para magsalita. “Camila, please. Walang kasiguraduhan sa mundo kung hanggang kailan nalang tatagal si Gavin! Naiintindihan mo ba ‘yon, anak?”
“Sinasabi mo po bang kalimutan ko nalang si Gavin kasi mamamatay na rin naman siya kalaunan? Napakasarili noon, Ma!” hindi makapaniwalang saad ko.
“Stop, Camila. This is for your good!” She shouted back at me.
Muling umagos ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ma, kilala mo si Gavin. Hindi niya ako sasaktan, kahit kailan hindi niya ako iniwan, hindi po ba, Ma? Alam mong mahal na mahal ako ni Gavin, Ma.”
Hindi na siya nakapagtitimpi pa sa akin at sinisigawan na niya ako. “Nagbabago ka na, Camila! Binabago ka na ng nararamdaman mo!” malakas na saad niya, sumisigaw.
Inilibot niya ang tingin sa kuwarto ko saka niya itinuro lahat ng mga kalat ko. “Tignan mo ‘yang mga gamit mo! Nagwawala ka! For pete’s sake, Camila! Estudyante ka palang! You shouldn’t... experiencing these problems! You are too young to be so stressed about love!”
She was so frustrated. Halata sa kaniya na pagod na siya. Base sa suot ni Mama, galing siya sa school, at talagang dineretso niya ako para lang makita ang kalagayan ko. Sigurado akong hindi na siya natutuwang makita akong nagkakaganito.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
Fiksi UmumIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...