08
Camila’s POV
Tito Jules began to speak. “It was no one’s fault, but the management and his band apologized to me,” said Tito. “I didn’t blame them, because it was my son’s decision, after all. ”
I could feel the sincerity of his words. I didn’t get shocked. Tito was so nice, he wouldn’t blame any of them unless they insisted Gavin take over the vocalist. Pero, based naman sa sinabi ni Tito, it was Gavin’s. Hindi nila pinilit yung boyfriend ko, nagkusa siyang pumalit sa vocalist. Makikita niya kung gaano siya ka–passionate when it comes to music.
His bandmates were so nice, even though, I just met them for a while. His voice trailed off. “Siguro, kaya ganoon niya na lang kagustong magtagumpay yung gig sa oras na yun. Gusto niyang ipakita na he’s deserving.”
I nodded, barely responding. Nanatili kaming tahimik na dalawa sa labas. Lumipas pa ang ilang minuto nang magpasya na akong tignan ang lagay ng boyfriend ko. Alam kong ayaw niyang nakikita ko siyang gano’n, pero gustong gusto ko na siyang makita. Gustong gusto ko na siyang mayakap.
“Can I go inside, Tito?” I requested, staring at the door of Gavin’s room.
He glanced at me, and smiles. “Sure, Camila. He answered. But, I guess, Gavin won’t wake up right away. Nagpapahinga pa ang diwa ng anak ko,” mahina siyang natawa bago napailing.
Tumango lang ako bilang tugon. Sa mga saad palang ni Tito Jules, mahahalata naming hindi niya gusto ang desisyon ni Gavin na iyon, pero wala siyang magawa dahil nangyari na e. Dahan–dahan kong hinawakan ang door knob, bago ko iyon ikutin. Mabigat na pakiramdam agad ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa kuwarto.
Tumingin agad ako sa kamang kinahihigaan ni Gavin, nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha. Tahimik ang paligid ko, at parang sa kaunting ingay lamang ay magigising si Gavin. Ngunit hindi gano’n e. Kahit siguro magpa-gig ako rito, hindi siya magigising nang ganu’n ganu’n lang. Kailangan niya ng mahabang pahinga.
Mahimbing siyang natutulog sa kama, medyo namumutla na nga agad ang labi niya. At, may kung anong bagay ang nakatusok sa kaniyang kamay. Sigurado akong dextrose yun, kasi wala naman siyang kakayahang kumain habang natutulog siya e. Dahan–dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Sa bawat hakbang ko, parang paulit-ulit na nahuhulog yung puso ko.
Napahawak agad ako sa kamay niya, mainit iyon. Napatakip ako sa aking bibig gamit ang isa kong kamay. Nagsimula nang magtuluan nang tuluy–tuloy ang mga luha ko. Nanginginig yung balikat ko habang naiyak. Parang anytime mauubusan ako ng hininga dahil sa mabigat na pag-iyak ko.
I had to cover my mouth so I wouldn’t disturb his rest with my cries. I cried the whole time while staring at him, still holding onto his hand. I couldn’t help but stare at him with my eyes, full of tears.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” I whispered. My voice broke in pain. “Gavin, nagtatago ka na sa akin.. Gavin naman,”
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Mas malala ito kaysa kagabi. Mas mabigat ito kaysa noong umiiyak ako sa mga yakap ni Mama. Mas mabigat ang sitwasyon na ito. I leaned on and kiss him on the lips. Mas lalo akong napaiyak.
Ni-hindi ko na rin nga napansin na pumasok na rin pala yung mga ka–banda ni Gavin. Sila Giovanni yun, ang bagong banda nila Gavin. Nang tignan ko sila ay sabay-sabay silang nagkatinginan sa isa’t–isa. Makikita rin sa mga mata nila na malungkot sila dahil sa nangyayari.
Their eyes were full of regrets, and disappointment. Lalo na yung mata niya, halatang sinisisi yung sarili niya dahil sa nangyari. Nang magtama ang mga mata namin ay agad din akong umiwas. Napalunok ako bago muling nag-ipon ng lakas para tumayo. Nahihirapan akong kumilos dahil hinihila ako pababa ng mga nararamdaman ko. Hirap na hirap ko.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
Narrativa generaleIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...