41

44 13 6
                                    

41

Camila's POV

"Magkita na lamang tayo sa korte. Ipaglaban mo ang sarili mo."

May diin ang mga salita ni Mama nang tapusin niya ang pakikipag-usap kay Sevann. Dumapo sa akin ang tingin ni Sevann, hindi ko siya kakikitaan ng kaunting pagmamakaawa sa akin, bagkus naging seryoso ang mukha niya.

"Do whatever you want, Mrs. Monreal, but to inform you truly, I did not rape your daughter." He stated with full of authority. He stand for the truth, and I am with him.

Mama smirked at him, but an irritation immediately flashed on her eyes. "Sa korte ka magpaliwanag, hijo. Hindi mo matatakasan ang batas." She said.

Napalunok si Sevann, at mapait na napangiti kay Mama. "Hindi po kasama sa batas ang pabibigay ng maling akusasyon," Huminga siya nang malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko po minamahal ang anak niyo para lang tarantaduhin nang ganoon. I am man with principles, I would never broke that."

Mama did not respond, instead, she glared at Sevann. She grabbed my arms and forcedly letting me in our car. Mahina akong napadaing nang tumama ang paa ko sa kotse.

"Please, take care of my baby," Sevann stated, looking so apologetic towards my mother. It has double meaning. I could sense it. "Pananagutan ko pa po ang anak niyo."

Natigil si Mama sa pagpasok sa kotse nang dahil sa sinabi ni Sevann. Bumaba siya bago isarado nang kaunti ang pinto ng kotse. "Layuan mo na ang anak ko. Kaya kong buhayin ang anak ko, at ang magiging apo ko kung sakali."

Naging mariin ang mga salita ni Mama. Bumalik ang tingin ni Mama sa akin, bago niya isarado nang tuluyan ang pinto ng kotse namin. Muli siyang nagsalita nang bumuka ang bibig niya. Hindi ko na iyon narinig dahil masyado nang naging mahina ang boses niya.

Bahagya akong nagulat nang makitang tumalim ang tingin ni Sevann kay Mama. Nagngalit ang bagang nito at saka nanlaki ang mga mata nang bahagya. Pinangiliran siya ng mga luha habang nakatingin nang deretso sa mga mata ni Mama.

"Hindi mo gagawin 'yon!" Iyon ang narinig kong sigaw ni Sevann kay Mama, galit ang tono nito. His jaw moved.

At, hindi ko malaman ang dahilan para masabi niya iyon. Naging tikom ang bibig ni Mama pagkatapos nang ilang minuto. Napapailing na tumingin siya kay Sevann.

Binuksan ko nang bahagya ang bintana ng kotse. Muling nagsalita si Sevann, nakangiti nang mapait kay Mama. Pinunasan niya ang tumulong luha sa kanang pisngi niya, mabigat ang mga paghinga niya. Nanginginig din ang labi niya habang seryosong nakatingin kay Mama.

"Tangina naman po kasi e! Anak ko na ang pinag-uusapan natin dito!" He shouted in pain, but not directly at my mother.

Napapikit ako at nag-iwas ng tingin para hindi ko makita kung gaano kasakit ang pag-iyak niya habang nakikipag-usap kay Mama. Nagdilat ako ng tingin, nagsalubong ang tingin namin ni Kuya Jojo sa may salamin ng kotse, naroon ang awa sa mga mata niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko, bago mag-iwas ng tingin sa kaniya. Bumigat lalo ang sakit sa pag-iyak ko nang marinig ang mga sinabi ni Sevann.

"Kung gusto niyong layuan ko na lang ang anak niyo, gagawin ko." mariin ang pagsaad niya. Ramdam ko ang kirot at pighati habang nagpipigil siya ng mga luha. "Just... spare my child's life, Ma'am." His eyes were bloodshot with tears forming at the side of his eyes. His lips were shaking while saying those words.

Halos magmakaawa na ang tono ni Sevann nang sambitin ang mga salitang iyon kay Mama. Kumirot ang puso ko at napakuyom ang aking kamao sa aking damit. May diin ang paghampas ko sa aking dibdib para pigilan ang sakit na nararamdaman.

Love Grows Where His Camila GoesWhere stories live. Discover now