04
Camila’s POV
“Oh, Den? Kumusta naman?” natatawang bati ko nang masalubong ko si Denise sa hallway. Halata namang sabog pa siya, at may hangover pa. Para bang wala siyang choice kundi pumasok kasi kailangan.
Ngumiwi siya bago niya takpan ng panyo ang mukha. “Hindi na ako uulit du’n, pucha. Para na kayang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit!”
Mahina naman akong natawa. Kung hindi pa siguro ako sinundo noon ni Gavin ay tiyak na ganyang klaseng hang over din ang mararamdaman ko magdamag. Mabuti na lamang talaga at nasundo niya ako.
“Sa sobrang tibay mo, nakakatayo ka pa nga ngayon at pumapasok.” natatawang anang ko saka siya nginiwian.
Napakamot siya sa kaniyang kilay nang dahil sa saad ko. “Akala ko nga kamo chill out ang mangyayari, mas malala pa pala ‘to.” She stated and let out a small laugh. Sinabayan niya pang umiling-iling siya.
“Ayan kasi, inom pa. Ta’s puro pamba-backstab lang naman ginawa mo ro’n, ‘te.” napapailing kong saad saka siya nginisian.
Ngumiwi ito, nairita. “Aba, Camila. Napakamo! Kung hindi ka ba naman sinundo ng jowa mo, e’ ‘di sana, malakas din hang over mo ngayon.”
Natawa naman ako saka bumuntong-hininga. Nagsimula na muling bumalik ang oras para sa huling klase. Tumahimik ang buong hallway kaya agad naman akong pumunta sa room ko. Unang pagkakataon ito na medyo puno ang klase rito. Madalas kasi hindi na pumapasok ang ilan at inaayawan ang professor na nagtuturo rito.
“Miss Salamanca!”
Nagulat kami sa malakas na sigaw ng aming professor, tinawag nito ang apelyido ni Tyrene. Nanatiling mahimbing kasi ang tulog ni Tyrene, tila hindi na nga siya kumain no’ng break time. Hindi niya rin namalayang pumasok na ang professor. Naka-focus kasi siya sa pagbabawi ng tulog.
Nag-inat pa si Tyrene, humikab at inilibot ang tingin sa buong silid namin. Napatungo ako para itago ang palabas ng kalokohan sa aking mukha. Kaunti na lamang ay matatawa na ako dahil lahat kami ay nakatingin kay Tyrene.
Samatalang si Tyrene ay nagtataka ang pagmumukha dahil lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Tumaas ang isang kilay niya saka napairap. Sigurado akong nahihiya na ito sa ngayon. Nananatili ang tingin ng professor dito, ngunit wala siyang natanggap na tugon mula kay Tyrene kaya siya na ang nagsimulang magsalita.
“Miss Salamanca? Ano? What have you done?” The professor asked seriously.
Napakamot naman sa kilay si Tyrene, at nakita kong napabuntong-hininga siya sa isang tabi. Mahina siyang natawa bago sagutin ang tanong ng professor. Bilib din ako sa tapang niyang gawing biro ang eksenang ito. Masyado na kasing seryoso ang pagmumukha ng professor naming kung titignan. Napailing ako at napapailing na ngumiti sa isang tabi.
Napapakamot pa siya sa kaniyang labi bago tuluyang sumagot. “Sorry, Sir. Hang over, e.”
“Oh? E’ di sana ay uminom ka muna ng gamot bago pumasok sa klase, ano? The best thing you can do is to prevent it.” May pagkasarkastiko ang tono ng professor nang sambitin niya iyon.
“Eh, Sir. Do you have any medicine?” natatawang tanong ni Tyrene sa professor.
Napatingin naman ang professor sa dala nitong bag, at nagsimula na siyang maghanap ng gamot. Hindi pa nakakalipas ang isang minuto nang ipakita ng professor ang gamot sa hangover. Nakakapagtaka dahil sa kahandaan nito sa mga bagay-bagay. Para pa nga atang umaayon sa kaniya ang timing.
“Oo, ito, mayroon akong gamot.” sagot ng professor saka ipinakita ang gamot.
Alam kong may sasabihin na namang kalokohan itong si Tyrene. Halata namang inaasar niya ang professor tungkol sa gamot na iyon. Halata sa kilos ni Tyrene na may kalokohan itong gagawin upang ipahiya ang professor. Binabalik nito ang dating gawain ng professor sa mga naging estudyante niya.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
General FictionIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...