10

42 14 0
                                    

10

Camila's POV

"Hindi mo naman kailangang bisitahin ako rito, Camila." nakangiting saad ni Gavin. "Ayoko nga sanang makita mo akong mahina habang nakahiga sa ganitong klaseng kama."

Mahina siyang natawa nang banggitin iyon. Napailing naman ako dahil nagagawa niya pang magbiro nang gan'yan ang kalagayan niya. Nananatiling matatag at seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko hinahayaang balewalain niya ang pag-aalala ko.

"I should. Girlfriend mo 'ko. Ano sa tingin mo ang mga dapat kong gawin?" I answered. Nanatili siyang nakatahimik. Sigurado akong hindi niya inaasahan yung mga salitang nasambit ko sa kaniya. "What now, Gavin? I need an explanation."

"I realized that I've gotten past my body's limit, the amount of joy it can take, since performing with my new band makes me so happy." He explained, nakatungo yung ulo niya habang nilalaro niya ang sariling daliri.

Tinaas niya ang kaniyang tingin sa akin saka ito ngumiti nang matamis. Halos hindi ko makita yung Gavin na nakilala ko sa kan'ya. Napakalayo ng hitsura niya sa dati. Ang laki ng ibinaba ng timbang niya kompara sa dati. "I am sorry for making you worry, hon."

I smiled bitterly as I walked towards him slowly. "Huwag mo nang uulitin iyon, lalo na't simula pa lang ay hindi ko alam na may sakit ka pala. Bakit mo tinago sa akin yun?"

Ngumiti naman siya sa akin nang matamis, hinawakan nito ang kamay ko. "Ayoko lang naman na mag-alala ka. Saka, nawala naman na ito dati, kaya ko na 'to ngayon."

Napatingin ako sa kaniya, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba kay Gavin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya, hindi ko alam kung totoo pa ba ang mga sinasabi niya.

"Mahirap umasang gagaling agad ako, pero, kakayanin ko. Hindi kita susukuan, Camila. Lalabanan ko 'tong sakit ko." He whispered as he tried to reach for my face.

"Promise?" My tears started to stream down on my face again.

He wiped my tears as he answered my question. Ngumiti siya sa akin saka siya tumango at inilapit ang mukha namin sa isa't-isa. "I promise. I will never fail you, hon."

Ramdam ko ang lungkot niya ngayong pinipilit niya na lang lumaban para sa akin. Ramdam kong pagod na talaga siyang ipaglaban ang puso niya. Pero, mas mainam kung lalaban pa siya. Sasamahan ko naman siya e.

Tutulungan ko siyang gumaling hangga't may pag-asa pa. Kakayanin namin 'to nang magkasama. Hindi dapat kami nagpapatalo sa sakit niya. Hindi p'wedeng gan'on. Malakas kami kapag pinagsama. We're unbreakable, right Gavin?

Napapunas ako sa luhang tumulo sa aking mata, saka ngumiti sa kaniya. Hindi dapat ako umiyak sa harap niya. Hindi dapat ako magmukhang kawawa at mahina para may pagkuhaan siya ng lakas. Kailangan kong maging matatag para sa kaniya. Aasahan ko ang mga sinabi mo, Gavin. Huwag ka munang magpahinga, mahal. Kailangan pa kita.

"Magpagaling ka, Gavin. Magpapagaling ka." saad ko saka siya niyakap nang mahigpit bago ako tuluyang umalis ng room niya.

Pagngiti, pagtango, at pagtingin lang ang tugon na natanggap ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa hospital. Hindi siya nagsalita, pero ang sabi niya uuwi na siya, uuwi na ulit siya sa akin.

"Fix yourself now, Camila." It was my Mama's voice when we arrived at our home. "Don't fail this semester, Camila. Don't waste your time. It will be your first and last time. Kung hindi ka makakagraduate sa tamang oras, ikaw na ang magtutustos sa sarili mo."

Ramdam ko ang matigas na pagbabanta sa tono ng boses ni Mama. Hindi na kakakitaan ng biro sa hitsura ni Mama. Seryosong seryoso siya habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Love Grows Where His Camila GoesWhere stories live. Discover now