39

23 14 2
                                    

39

Camila’s POV

“An entertainment from China was inviting our band?”

My lips parted in shock when I heard what Giovanni said earlier. He said that a Chinese entertainment was inviting our band for an interview. They even said that they saw the trending hashtags on Twitter last month.

Khalil raised his brows. “Is that another opportunity?”

Giovanni nodded. “I think yes,” He stated. “They also assured a huge opportunity for us. There is a huge possibility if we try the training in China, with their best Chinese trainers.”

“An entertainment for just a band?” Reid’s brows furrowed. He almost roll his eyes and let out a small laugh. “Hindi ba bogus ‘yan?”

Muling tumingin sa phone si Giovanni, naroon ang email na ipinadala sa Gmail account ng banda namin. Hindi rin namin malalaman kung bogus ba o hindi kung hindi kami maghahagilap ng impormasyon.

“Sa tingin mo?” Giovanni asked me.

I raised a brow and I was about to answer when I feel my stomach is turning upside down. Mula sa sala ng bahay nila Giovanni ay napunta ako sa may lababo para sumuka.

“Camila!”

Narinig ko ang sabay–sabay na pagtawag nila Giovanni sa akin nang makita ang pagsuka ko. Isa–isa silang lumapit sa akin at hinimas–himas pa ang likod ko.

Muli akong sumuka. Agad kong binuksan ang gripo para malinisan ang lababo. Saka naman ako naghugas ng aking bibig para matanggal ang dumi roon.

Kaunti lang naman ang kinain ko bago ako pumunta sa bahay nila Giovanni. Sigurado rin naman akong hindi ako allergic sa pagkaing kinain ko kanina.

“Anong nangyari? Masakit ba t’yan mo?” Sunud–sunod na tanong ni Giovanni nang matapos akong maghugas.

Nanghihinang napakapit ako sa may lababo, hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil naubusan ako ng hangin sa pagsusuka kong iyon. Napahawak ako sa t’yan ko, at napahinga nang malalim.

“Hindi ata maayos ang pakiramdam ko,” mahinang saad ko, bago bumuntong–hininga. “Uuwi na lang muna siguro ako.”

Nagkatinginan silang tatlo sa isa’t–isa. Hinawakan ni Reid ang braso ko para alalayan muli pabalik sa sala.

“Magpahinga ka muna,” anang ni Reid sa seryosong tono. “Ihahatid na lang kita pauwi sa inyo pagkatapos.”

Tumango na lamang ako nang bahagya at hindi na sumagot. Nanatili akong tahimik at malalalim ang mga naging paghinga ko.

Nagkatinginan muli si Giovanni at si Reid at Khalil bago sila tumingin nang sabay–sabay sa akin. Bumuntong–hininga si Giovanni bago magsalita.

“May... nangyari ba noong gabing magkasama kayo ni Sevann?” mahinahong saad ni Giovanni, hindi napigilan ang kuryosidad.

It has been three weeks since the debut celebration happened. I felt like everything was too annoying for me. I pee frequently, from time to time. I feel like my tummy is bloated, I actually did not eat three times a day. And, I feel like I am going to vomit every time I move.

Nagsisimula na rin akong kabahan nang hindi ako magkaroon ng dalaw nang halos ilang linggo na rin. I am thinking of having a check up. Maybe there is just some irregularities happening in me.

“Wala naman.” mahinang sagot ko. Napapalunok akong nagbaba ng aking tingin sa sahig.

Hindi ko naman alam kung magsasabi ako ng totoo sa kanila.

“Sigurado ka?” Tumaas ang dalawang kilay ni Reid. “You were both drunk that night. It has a possibility that something happened between you and Sevann.”

Umawang ang labi ko, bago bumuntong–hiningang muli. Hindi ako nagsalita, at hindi ko rin naman alam kung ano pang sasabihin ko sa kanila.

“Baka may ginawa kayong hindi mo maalala,” Khalil talked. “Nagising ka ba noon na katabi mo si Sevann?” pagpapatuloy niya.

Umiling ako. “Hindi.” That was the truth! I did not wake up having Sevann on my side! I woke up with myself alone. But, I knew that something was happened.

Tumango si Khalil. Binatukan naman siya nang bahagya ni Giovanni. “Hindi mo ba nakitang lumabas si Sevann sa kuwarto niya?!” inis na saad ni Giovanni, nakatingin nang masama kay Khalil.

Nangunot ang noo ni Khalil, at bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang may maalala nga. “Ay, oo! Tama. Sa kuwarto pala niya lumabas si Sevann noong umagang iyon!”

Napaisip naman kaagad ako. Napailing ako sa aking naisip. Siguradong pagkatapos ng nangyaring iyon ay nagawa pa ni Sevann na lumabas ng kuwarto at lumipat sa kuwarto niya.

Iyon pala ang dahilan kung bakit wala siya sa tabi ko nang magising ako. Hindi ko inakalang may lakas pa siya para tumayo at lumabas matapos ng nangyari sa pagitan namin.

Giovanni sighed, it was heavy one. “Should I tell Sevann about this?” He asked in calm voice.

I instantly turned my gaze at him. I shook my head as a response. “Don’t, please?” I pleased. I am trying to stifle a sob. “We knew how busy he was on medical school. I don’t want to stressed him out.”

I knew what’s literally happening to me.

“Samahan ka namin for check up today,” Giovanni insisted. “I want to know what’s happening to you, Camila.”

I shook my head, getting irritated. “Nothing’s wrong with me, Giovanni. I am good.” I stated and stood up.

I headed my way to the door. Ramdam ko namang sumunod sila sa akin. Hinawakan ni Giovanni ang braso ko nang marahan, sinusubukang pigilan ako sa paglalakad.

“Ngayon lang, Camila. Makinig ka muna. Kailangan nating malaman kung buntis ka ba o hindi.” anito sa seryosong tono.

Tumalim ang tingin ko kay Giovanni, bago padabog na kinuha ang aking braso mula sa pagkakahawak niya.

“Tigilan mo muna ako, Giovanni.” inis kong saad bago padabog na naglakad muli papunta naman sa gate.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang gate, pero mas lalong kumulo ang dugo ko nang makitang nakasarado ito, may kasama pang padlock.

Napairap ako bago tumingin kila Giovanni. “Open this fucking gate, Giovanni!” I shouted in irritation.

He looked at me with his serious face. “I won’t until you come with me for check up!” He shouted at me back.

“Ano ba!” galit na sigaw ko, tumalim lalo ang tingin ko kay Giovanni.

Hinawakan ni Reid ang braso ni Giovanni, bago ito pinisil. “Buksan mo na, bago pa ‘yan mabinat. Sigurado akong kailangan niya munang magpahinga at magpalamig ng ulo.” rinig kong saad ni Reid kay Giovanni.

Napabuntong–hininga naman si Giovanni bago napapailing na dumukot ng susi sa bulsa niya. Lumapit siya sa akin, tumingin ito nang seryoso sa akin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kaniya.

“Pag–usapan nalang natin ito kapag malamig na ang ulo mo, Camila.” mahinahong saad ni Reid sa akin, nakahawak pa siya sa likod ko.

Tumango lang ako, bago pinunasan ang nagbabadyang luha nang dahil sa biglaang galit ko. Tumingin muli sa akin si Giovanni nang matapos niya nang buksan ang gate.

Bumuntong–hininga siya bago ako yakapin nang may kahigpitan. Siya rin ang humiwalay matapos ang ilang segundong yakap niya.

He looked at me, he looked apologetic. “I'm sorry, Camila.” He stated, and leave.

I breathe heavily and turned my back at them. Agad namang sumunod sa akin si Reid, hawak na niya ang susi ng kotse niya.

“I’ll drive you home,” saad nito bago ako iginiya papunta sa kotse niya. “Akin na susi mo, ibabalik ko nalang ‘yang kotse mo kapag nakabalik na ako rito.”

Hindi na ako sumagot bagkus nanatili akong tahimik matapos ang pagtango ko. Tumingin pa muna sa akin noon si Reid bago niya paandarin ang kotse na naroon sa katamtamang bilis at bagal.

&.&

Love Grows Where His Camila GoesWhere stories live. Discover now