35
Camila's POV
"Thank you for coming," Tyrene thanked the whole band after the performance.
Sa last song, ako na ang kumanta dahil hinila na agad ako noon ni Tyrene sa harapan. Agad agad na nagpalit sila ng mga puwesto. Nagtataka pa ako noon dahil kompleto ang mga instrumento na ginagamit nila.
Hindi ko tuloy alam kung sinadya ba talaga nilang pumunta rito o tinawagan lang din sila ni Tyrene para mag–perform.
Nagsimula ulit silang ayusin ang mga upuan, at tinanggal ang entablado na kanina lamang ay ginamit para sa performance.
Ngumisi ako Sevann Tyrene matapos kong hawakan si Alvaro sa kaniyang braso. "Angas mo naman, Tyre?" natatawang panimula ko. "Dumami lalo customers mo, ah."
Napalibot naman ang tingin nilang lahat sa buong coffee shop nang dahil sa sinabi ko. Sabay–sabay kaming natawa nang mapagtanto na dumami nga lalo ang customers niya.
"Trending sa Twitter, hala!" It was Reid's mouth who just talked. Nakatingin siya nang nagugulat sa kaniyang phone.
Nagkatinginan kami sa isat–isa bago nagtatakang napatingin kay Reid. Naroon pa rin ang tingin niya sa phone niya. Agad ko namang kinuha ang phone ko saka agad na binuksan ang Twitter App.
Napatingin ako sa naging number two trending, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Napaawang ang labi ko nang makita ang pangalan ng banda namin doon. Nagtaka ako nang dahil doon. Bakit ganoon kabilis ang pagkalat ng performance naming sa social media?
Sinong influencers may pakana nito?
#TheYoungstersAtEspaña
Iyon ang nakalagay na hashtag sa twitter nang tignan ko ito.
Matapos kong maglabas ng phone ay ganoon din ang ginawa nilang lahat, kaya ngayon ay nakatingin kaming lahat sa kani–kaniyang mga phone habang tinitignan ang ganap sa Twitter.
"The Youngsters at España?" nagtatakang saad ni Giovanni sa nagtatanong na tono.
Ngumisi si Tyrene sa amin, nagpipigil din naman ako sa tipid na ngiti sa aking mukha. Isa–isa kaming nagkatinginan, pare–parehong nakakunot ang mga noo.
Ngumiti sila isa–isa at mahinang nagsitawanan nang makita ang hashtag na iyon. Tiyak akong umabot na saan kung saang lupalop ng mundo ang naging performance ng banda kanina.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa napakarami namimg performance ay ngayon lang nag–trending ang banda namin. Kaunti na lamang ay lulundag kami sa tuwa nang dahil sa ganoon.
"Sikat na tayo, pare!" kunyaring naiiyak na saad ni Giovanni, kunyari pa siyang humagulgol sa balikat ni Reid.
Nagtawanan naman kami dahil sa kahihiyang ginagawa ni Giovanni. Maraming tao ang nakatuon ang atensyon sa amin, kaya nakakahiyang nasasaksihan nila ang ganoong kagagahan ni Giovanni.
Natigil lang kami sa pag–uusap nang nakarinig kami ng maraming ingay sa may labas ng coffee shop.
"Teka, ano yon?" ani Tyrene, umakma siyang sisilipin ang labas nang salubungin siya ng apat na babae, sa tingin ko ay lahat sila mga menor de edad pa lamang.
Hingal na hingal ang mga babaeng iyon nang harapin sila ni Tyrene. Naghahabol pa sila ng hininga at hindi makalabas ng kahit anong salita dahil sa pagod.
Nagtataka namang napatingin si Tyrene sa kanila, hindi maipaliwanag ang naging reaksyon niya habang nakatingin sa mga babae sa harapan niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil imbes na salubungin ng ngiti ni Tyrene ang mga babae ay isang kilay ang nakataas sa kaniya ang sumalubong sa mga iyon.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
General FictionIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...