06
Camila's POV
"Bro, siguro pinag–uusapan ako. Nakagat ko dila ko, e."
Our lips parted when we heard a familiar voice. Napakurap–kurap si Denise, namumula na nang marinig ang boses ni Giovanni. Padaan sila sa hallway, at masasalubong namin sila dahil papasok na sila sa main cafeteria ng unibersidad. Halata naming sinadya ni Giovanni na iparinig sa amin yun. Sa sobrang ingay ba naman ni Denise, imposibleng hindi marinig ng ibang tao 'yon. Tanga rin talaga 'to e.
"Aguy, Cams!" Denise shouted in embarrassment. I saw how a playful smirk formed on Giovanni's face.
Giovanni let out a small laugh when she glanced at Denise. "Oh, among pabor?" Giovanni asked, looking at Denise. "Do I need to pretend that I didn't hear something?"
Masiyadong tahimik ang hallway, alam kong nasa kaniya–kaniyang room na ang mga katulad kong estudyante. Kami lang talaga ang maiingay sa hallway, at iyong iba ay may klase. Mabuti na lamang at tatlo lang kaming nakarinig ng ingay ni Denise. Kung maraming tao ang nakarinig non ay tiyak na lagpas na sa langit ang mararamdamang kahihiyan ni Denise.
"This shit's embarrassing," I whispered to Denise. "You talk so loud, Denise." paninisi ko sa kaniya, kaya mas lalo siyang namula sa kahihiyan at pagsisisi. Mahina niyang kinurot ang braso ko saka siya pumulupot doon.
Napairap siya sa kawalan nang silipin ko siya. Mahina rin siyang napasinghap. "Do something, save your friend, Camila."
I glanced at the guy with Giovanni. I didn't know him, but he had a resemblance to Giovanni. "I am his brother," the guy said.
I was shocked because I didn't ask anything, but he still answered like I had a question! How is it possible? Ano, 'to? Pati ba utak ng tao, innovated na? Narinig ko ang pagtawa nang mahina ng dalawang iyon. Halata na naman siguro sa akin na confused ako.
"He's Carter Lopez, my eldest brother," Giovanni answered. "And, he graduated in Psychology, so don't be confused. He talked like he's basing it from your facial expressions,"
I formed an o because of that response. So, he graduated in Psychology, which explained why. I nodded to Giovanni and smiled awkwardly. Hinawakan ni Denise ang kamay ko saka siya nakisingit sa usapan naming tatlo. "Ah, sorry! Mauuna na kami!"
Hinila niya ako paalis, at medyo patakbo ang ginawa namin dahil talagang nagmamadali nang makaalis si Denise sa harapan ng dalawang iyon. Hindi niya na ata kinaya dahil nangangasar na rin yung tinginan ni Giovanni kanina. Mas lalo niyang winawalanghiya si Denise kaya ganoon nalang kung hilahin ko, sagad kung sagad.
"Teka! Hinihingal na ako!" saad ko, saka naghabol ng hininga nang makahinto na kami.
"Nakipagkwentuhan ka pa! Lakas mo!" natatawang aniya sa akin. Napairap naman ako saka ngumisi.
"Oh, e' di nakalipat yung topic," natatawang saad ko saka tumango.
Ngumisi lang siya sa akin saka tumawa. Muli kaming bumalik sa klase at agad naman akong nakinig sa mga tinuturo ng professor. Mabilis lang ding natapos yung oras ng klase kaya agad na kaming nagkita ni Denise sa may labasan.
"Tapos ka na sa plates mo, Denise?" I asked curiously.
While eating her fish ball, she answered me. "Mukha bang tapos na? Aba, syempre hindi pa." natatawang aniya sabay inom sa juice na nasa plastic cup.
Pare-parehas talaga kaming binagsakan at mga tinatambakan. Hindi ko na tuloy alam kung finals week ba 'to o final week ko na. Bumuntong–hininga naman ako. Hindi gaya niya, may ilan na rin akong natapos na school works. Nakakapagod pero alam ko namang may patutunguhan ang mga ginagawa ko.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
Fiksi UmumIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...