07
Camila’s POV
Sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi ko alam, at ngayon ko lang nalaman na may sakit si Gavin. Tila sirang plakang nagpaulit–ulit sa tainga ko ang sinabi ni Tita. Bakit hindi ko man lang naisipang magtanong? Nakakapagtaka dahil sa loob ng tatlong taong ‘yon ay wala akong napansing kakaiba kay Gavin. Hindi halata sa kaniyang may sakit siya. Ang lakas lakas niya sa paningin ko.
Rheumatic heart disease...
“Gavin naman...” Mabilis na nagsituluan ang mga luha ko, mabigat sa pakiramdam yung mga nalaman ko. Unti–unti akong dinudurog nang dahil sa kondisyon niya. Para akong tanga dahil wala akong nalalaman regarding his medical condition.
“Camila?”
Agad akong napapunas sa aking mga luha nang marinig ang masayang pagtawag ni Mama. Nanatili ako sa hagdanan hanggang sa tuluyan nang marating ni Mama ang kinatatayuan ko. Nag–iba ang emosyon ng mukha niya nang makita ako.
“Anak? Anong nangyari? Bakit umiiyak ka?” Biglang napalitan ng pag-aalala ang tono ng boses ni Mama nang makita ang hitsura ako.
Napangiti ako nang pilit. “Ha? Eh, hindi naman po ako umiiyak...” saad ko, natatawa nang pilit habang pinapakita ang mukha ko kay Mama. “Napuwing lang ako, Ma.” sabi ko habang pinupunasan ang ibaba ng aking mata gamit ang likod ng aking kamay.
Umawang ang labi niya saka siya pinangiliran ng mga luha. Halata sa kaniyang nadadala na rin siya sa emos'yon ko. “Anak, kilala kita e.” mahina niyang saad, nagbabadya na ring tumulo ang mga luha. “May problema ka ba, anak? Sabihin mo kay Mama, tutulungan kita, anak.”
Nakagat ko ang ibaba ng labi ko, pinipigilan ang matinding bugso ng damdamin ko. Kaunti na lamang ay tutulo na muli ang mga luha ko. Pinilit kong pigilan ang luha ko para hindi ako makita ni Mama na mahina. Matutulungan mo kaya ako, Ma? Na pagalingin si Gavin? Matutulungan niya kaya akong tanggalin yung sakit ng boyfriend ko?
“Camila, anak,” mahinang anang niya saka niya hinawakan ang ulo ko at inilapit sa sarili. Niyakap niya ako nang bahagya. “Aabihin mo, Camila. Ilabas mo ‘yang nararamdaman mo kay Mama.”
Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha ko, at tuluyan na itong tumulo. Mabibigat na paghikbi ang sunud–sunod kong pinakawalan habang yakap ako ni Mama. Hinimas–himas ni Mama ang likod ko habang patuloy lamang ako sa pag–iyak. Hindi siya nagtanong habang pinapakawalan ko ang mabibigat na hagulgol. Inalo niya lamang ako, hindi niya ako pinipigilang umiyak.
“Mama...” umiiyak kong pagtawag sa kaniya, patuloy ang pagtulo ng mga luha.
Ang labo na ng paningin ko, natatakpan na iyon ng mga luha na tuluy–tuloy sa pagtulo sa aking pisngi. Ang sakit sa dibdib. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko. Hindi maipapaliwanag ng kahit anong salita ang bigat, at sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas’yado itong mabigat, sobrang bigat kaya lahat inilabas ko.
“Alam kong matatag ka, Camila. Pero kapag dumating yung panahong sukong suko ka na, magpahinga ka lang sa akin. Magpahinga ka lang kay Mama.” saad niya habang hinihimas–himas pa rin ang likod ko.
I couldn’t talk... I couldn’t even respond... I just kept on crying while my mother embraced me. It feels like they took away my ability to talk.
When I stopped crying, I remained in my Mom’s embrace. Alam niya, sa mga hikbi ko palang, alam niyang mabigat yung nararamdaman at dinadala ko. “We can talk tomorrow, anak. If you are not ready to talk about your problems, I will wait until you are ready.”
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
General FictionIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...