25

26 12 0
                                    

24

Camila's POV

"Outside!"

"Do better than yesterday, team! I am rooting for a better outcome of your practices!"

I wiped my sweat as I glanced at my team, one by one. Hindi na natigil yung sigaw ni Coach Rivero dahil halatang wala sa hulog yung team namin para sa laro na 'to. Napapailing na bumalik ako sa aking pwesto. Ikahuling araw na ng ensayo namin, at may kasablayan pa rin kaming lahat sa pag–eensayo.

Hindi ko rin naman masabing maayos at walang sablay ang pag–eensayo ko dahil may mga pagkakamali rin ako noong mga nagdaang araw. Ngunit, may isa talaga sa amin ang kinaiinisan ko na dahil para nang sinasadya yung mga error na ginagawa niya sa practices namin.

Excuse kami sa klase ngayong araw, kanina lang ay sinundo kaming dalawa ni Denise sa kaniya–kaniya naming classroom para sa practice ngayong araw.

Mas magandang mag–practice kasi boring naman sa klase namin. At, puro kuwento lang naman ang mga pinagsasabi ng guro sa harapan ng klase. Akala niya siguro kasama sa exam yung mga sinasabi niay tungkol sa buhay niya. Hindi kami papasa sa talambuhay mo!

Tumingin ako kay Denise, tila naramdaman niya rin ang pagtingin ko dahil tumingin din siya kaagad sa akin. Napakunot ang noo ko saka ngumisi. Halata naming iisang tao lang ang pinagbabalingan namin.

"Yabang 'no?" She mouthed as she rolled her eyes at me.

Tumango ako bilang pagsang-ayon pero agad din akong ngumiti. "Hayaan mo na, patience lang," I murmured as I fixed my stance.

Napailing ako bago tumikhim. Tumakbo ako saka tumalon nang medyo mataas para paluin nang may malakas na pwersa ang bola. Nagulat sila sa sobrang bilis at lakas ng pagtalbog ng bola. Ang ingay ng bola at daing ni Chienna, iyong receiver, ang bumalot sa buong covered court. Bumagsak si Chienna sa lapag, tila tumama nang malakas ang pwitan niya doon sa lapag. 

Tumalbog naman ang bola doon sa mga bleacher nang hindi naging maayos ang pag–receive ni Chienna sa bola.

I immediately accelerated in her direction, and then I immediately expressed regret for the thing that I had just done right before I ran.

"Sorry, Chie," I offered my genuine apologies, while I waited for her reply.

A smile appears on her face as she nods her head in agreement. "No, that's okay," she told. "I will do better,"

I heaved a breath of relief and nodded as she acknowledged that I had apologized. Nakaawang naman ang labi ni Denise nang bumalik ako sa puwesto ko. Napapailing na natawa siya nang tignan ko siya.

Natawa siya, at mahinang hinampas ang balikat ko. "Gago ka, sakit no'n!" natatawang saad niya, napapailing ulit. Agad na lumapit si Yna kay Chie, nakakunot ang noo nito habang inaalalayan si Chie na tumayo. Sumama ang tingin ni Yna sa akin.

Nagkatinginan na naman ulit kami ni Denise nang big'yan ako ni Yna ng ganoong mga tingin. Napangiwi na lamang kami bago namin ulit na hinayaan. I looked back again at Chienna. She was now already standing, and she was back at her stunting. Napapailing naman ang mga kasama niya, medyo natatawa nang dahil sa nangyari.

Stop messing up, Yna. Do better. I uttered those words to myself as I examined her in every inch.

Tinapik ni Tyrene si Chienna sa kaniyang balikat, natatawa ang babae nang tapikin nito si Chienna sa balikat. "Mainit si Camila, ayusin mo," natatawang saad ni Tyrene, kaunti nalang ay hahagalpak na siya ng tawa.

Isa–isa silang nagtawanan nang marinig ang sinabi ni Tyrene. Imbes na tanungin kong okay lang sila ay para bang mas tinakot pa nila si Chienna. "Baka isa–isahin kayo ni Cams!" sigaw ni Denise sa aking tabi, natatawa.

Love Grows Where His Camila GoesWhere stories live. Discover now