52
Camila's POV
Denise’s eyes widened when she heard my statement. “What?!” She exclaimed. “He wanted to be the father of your child?”
I nodded. “Yeah, without him knowing that Camile is his child.” I sighed as I ended that sentence.
Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Bakit hindi kayo mag-umpisa muli? Bakit hindi mo balikan, Camila?” Denise muttered, she sounded so desperate of my answers.
Mapait naman akong napangiti sa kaniya. Pinilit kong maging matatag, para hindi agad tumulo ang mga luha ko.
“Wala na rin naman kahit na balikan, ‘di ba?” mahinang anang ko bago tumungo. “Ikaw na rin naman ang nagsabi na tapusin ko na... para wala na kaming balikan pa.”
Tumahimik siya, umawang-awang ang kaniyang labi. “Kahit para sa anak mo? Para kay Camile,” Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. “Matagal nang naghahanap ng pagmamahal ng isang ama ang anak mo, Camila. Oras naman na rin siguro para ipakilala mo si Sevann bilang ama kay Camile, hindi ba?”
“Ano na naman ang magiging kapalit kung babalikan ko siya? Titigil na naman ba ang mundo niya para lang sa akin?” Tumahimik siya bigla. “Halos masayang niya ang pinaghirapan niya nang dahil lang sa akin, Denise.”
She bit her lower lips as she looked at me. “Ilang taon na rin naman ang nakalipas, Camila, e.” sambit niya bago hinimas ang sentido niya. “Why don’t you both try again? Do it right this time. Huwag na ulit kayong maduduwag.”
Tumango-tango ako, bago bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Baka magalit na naman siya sa akin dahil sa pagsisinungaling ko.” Tumingin ako sa kaniya nang pangiliran ako ng luha. “Baka hindi na niya tanggapin ang anumang paliwanag ko.”
Humigpit ang hawak ko sa lapis nang iniwas ko ang tingin kay Denise. Pinatawag ko lang siya para sabihin ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Sevann.
“He will. Siya na rin naman ang nagsabi na puwede siyang maging tatay ng anak mo, Cams.” seryosong anang ni Denise. She tapped my shoulders. “Tatanggapin niya ang kung anuman ang mga eksplanasyon mo. Hanggang valid pa rin ang eksplanasyon mo, ‘matic na maiintindihan niya ‘yan.” She smiles at me after saying those words.
I bit my lower lip to stop myself from crying when she lean me on her shoulders. “Learn to communicate with him. Decide for what's the best for the both of you, Camila.”
Matapos ng pag-uusap ay bumalik na kami sa trabaho. Nagbasa lang ako ng ilang documents paper magdamag hanggang sa dapuan ako ng antok. Wala akong nagawa kun’di ang makatulog sa couch ng office ko.
Nagising na lang ako nang ipatawag ako ng CEO. Tamad akong tumayo matapos ayusin ang sarili ko para maging presentable sa harapan ng CEO. Hindi ko nga alam kung may sama ba siya ng loob sa akin dahil sa naging interaksyon namin sa huling meeting.
“Hire another secretary. I just fired one.” He commanded as soon as I entered his office. It made me confused.
I nodded as I sighed. I had the urge to ask him why did he fire his secretary, but I just let myself remained silent. Baka ako pa ang mawalan ng trabaho kung sakaling kwestyunin ko ang mga desisyon niya sa kompanyang ito.
“Or, could you do both?” He glanced at me, his brow was being raised at me. Nangunot agad ang noo ko sa sinabi niya. “Could you be my secretary?”
I was about to decline his offer when he talked again. “I think you will be the only sensible one to be my secretary. There are all unorganized and not doing their works well.”
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
قصص عامةIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...