03
Camila’s POV
“Sevann, the rude one?” I asked sarcastically.
I heard Tyrene let out a loud laugh. “Yes, kita mo naman. Awra pa lamang ng lalaking yan e alam mong masungit at parang walang modo. Kaya nga ang walang girlfriend. Usap-usapan din na sobrang taas ng standards niya, well dahil na rin sa sinabing running Summa Cum Laude raw iyan.” She agreed, and eventually justified her statement. “Hindi ba kasabayan niya si Gavin sa pagsikat dito sa loob ng UST?”
I could not help but laugh. “Yes, and you did know a lot. Where did that all come from?” natatawang anang ko, naninigurado pa.
Napailing si Tyrene sa akin bago sumagot. “Kapwa-Thomasian niya lang din ang nagpapakalat ng mga ganyan. Hindi na nakakapagtaka iyon. Matunog na pangalan niyan, isa siya sa ipinagmamalaki ng eskwelahan.” Nagsimula na kaming magkwentuhan nang umupo na nang paunti–unti ang mga kablockmates namin. Pare–pareho na rin silang mga wala na sa katinuan.
Paniguradong kanina pa sila umiinom dahil lahat sila ay pulang pula na. Napailing naman ako bago lumaghok ng alak na nasa aking hawak na baso. Nanatili lamang akong nakikinig sa mga kwento ng mga lasing kong kaklase. Ang mga piang-uusapan na nila ay kung paano nila ka-hate yung isa naming professor. Kung makapagturo raw ay sagad, e hindi naman major subject, minor lang naman.
Kadalasan, at halos karamihan sa mga kablockmates ko na ganoon ang inirereklamo. Sa mga magkakaibang professor at magkakaibang subject. Panigurado akong hindi lang sa course naming na mayroong ganoong klase ng professor. Nakakatawa, walang pinagkaiba ang reklamo nila sa mga hinaing ko sa buhay.
Nakailang kwentuhan pa kami nila Tyrene, at nakisali na rin si Denise, tila tapos na siyang makipagplastikan sa mga kablockmate niya. Madalas naman aking napapatingin sa gawi ng mga lalaki, dahil ramdam ko rin namang tumitingin sila sa amin.
”Leche yung mga yon! Ang kikitid ng utak kung kailan kolehiyo na!” pagrereklamo ni Denise sa akin. Sigurado akong umalis siya sa pwesto nila dahil against siya sa mga sinasabi ng kablockmates niya. Nang mapatingin kami sa lalaki ay biglang tumahimik ang bibig ni Denise. Simula first year college ay ganito na siya. Marami siyang nakakalandian ngunit bilang lang yung nagiging boyfriend, at yung mga sineseryoso.
Napansin ko namang tahimik lang iyong Alvaro, at paminsan-minsan ay ngumingiti kapag tila may nakakatawa sa pinag–uusapan nila. Ngunit parang nag–aya naman iyong kasama niyang babae na pumunta sa kung saan.
Noon ko napansin na para atang bibili sila ng mga alak. Agad namang tumayo si Alvaro para sumunod doon sa babae. Sinubukan namang hawakan noong babae ang braso noong lalaki ngunit kalmado nitong nilayuan nang bahagya ang babae. Hindi niya masyadong ipinahahalata na ayaw nya roon sa babae.
“Hoy, Camila! Huwag ka ngang tumingin sa iba!” saway sa akin ni Denise nang mahuli akong sinundan ng tingin si Sevann nang umalis ito sa kanilang puwesto.
“Hindi naman ako maagaw ng iba, dahil tumitingin lang naman ako sa isa.” I responded in a meaningful way.
Napataas ang kaliwa niyang kilay saka napangiwi. Namumula na rin ang mukha niya, halatang lasing na si Denise.“Napaka-OA! Hay nako, Cams! Hanggang dito ba naman sa bar ay bitter pa rin ako?!” natatawang sigaw nito sa sarili.
Nakailang lagok kami ng alak, hanggang sa ramdam ko na pagkahilo at nawawala na rin ako sa tino. Inaya ako ni Denise na makisali sa mga sumasayaw. Nakaialng tanggi na ako, ngunit sobrang pilit niya at halos lahat ata ng nasa harapan ay binangga niya na.
Wala akong nagawa nang hilahin na ako ni Denise palapit sa mga sumasayaw. Gusto ko pa sanang tawagan ang numero ni Gavin para sunduin na ako dahil alam kong hindi ko na kakayanin dito sa bar, ngunit masyado nang magulo ang isip ko, at magulo rin dito sa bar.
YOU ARE READING
Love Grows Where His Camila Goes
Fiksi UmumIs their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye sooner? Camila Monreal is a lady who has a bad habit of torturing herself with her mind. She purposefully inflicted pain on herself by conceali...