Chapter 1:First Encounter
"Sana naman ay matanggap ako!" sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa malaking building sa harap ko.
Jusko sana naman talaga matanggap ako kasi gustong gusto ko na magkaroon ng trabaho.
"Aray!" napadaing ako dahil may nakabangga saakin.
"Tss. you're taking my way" malamig na sabi nito.
Nang tumingin ako dito ay naka proper attire siya with glass. Ang gwapo naman nito kaso ang sama ng ugali!
"Siya na nga naka bannga siya pang may ganang manita" bulong ko sa sarili ko.
Lintek nga naman oh.
"I heard you" natigilan ako nang mag salita ulit ito.
Malamang kasi ang lapit nating dalawa!
"Obvious ba? Malamang syempre maririnig mo ako kasi may tainga ka" inis na sabi ko dito.
Kahit na naka glass siya ay alam kong nakatingin siya saakin.
"Don't ever try my patients , Miss. You didn't know me" nakangising saad nito.
Akala niya naman kung natatakot ako,luh! asa!
"Hindi naman talaga kita kilala. Eh ako din hindi mo kilala kaya hwag kang mag sungit sungitan dyan! Sarap mo itapon!"
"The fuck you really don't know me" matigas nitong ingles at napapailing pa.
Ang angas mo na sana ng dati eh kaso sa ugali tss ewan ko na lang. Ayaw ko na lang mag talk.
"Oo nga eh ulit ulit. Dyan ka na nga nasira na tuloy ang umaga ko. Tangina naman baka mamaya malasin ako nito sa interview nang dahil sayo! Peste ka! Kahit sorry hindi man lang magawa! Hmp!" pagkatapos ng mala first honor kong speech ay syempre tinalikuran ko ito.
Pumunta ako sa malapit na nagtitinda ng palamig para bumili nito. Naiinis kasi ako at ayaw ko namang mag pa interview na wala sa sarili. Kainis!
"Ate palamig nga po sa limang piso" sabi ko kay ate vendor habang tinuturo ang buko panda na flavor.
"Sige ineng" nakangiting sabi ni ate saakin.
Kapag ba talaga mayaman masama ugali?
Teka hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko sa lalaking iyon. Naiinis ako kapag talaga naaalala ko yung pakabangga niya saakin."Heto na ineng ang palamig. Tama iyan sayo dahil mukhang mainit ang ulo mo" natatawang sabi ng vendor saakin.
Pagkaabot ko ng palamig ay inabot ko na din ang bayad sakaniya. "Naku! oo ate gusto ko talagang mag palamig kasi grabe kanina yung lalake hay naku naku naku ang gandang suntukin. Akalain mo 'yun ako na nga nabangga hindi man lang nag sorry!" nannggagalaiti kong sumbong sa vendor.
Ewan ko basta naiinis talaga ako takte!
"Syempre ineng ganyan talaga ang mga mayayaman" napapailing na sabi ni ate Vendor.
Pagkatapos kong mainom ang palamig ay gumaan na din ng konti ang pakiramdam ko.
"Mauna na po ako ate! Baka ma late pa ako sa interview ko!" pagpapaalam ko pa sa vendor.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...