"B-baby, please talk to me" sambit ni Yash habang inaabot ang kamay ko ngunit agad ko naman itong inilalayo at pinilit na makaalis sa loob ng silid na iyon.
Masyadong sobra na ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagtataka na,dahil wala nang luha ang lumalabas sa aking mga mata na tila ba ay namanhid na ito.
"Ano bang d-dapat kong m-malaman?"
sabi ko ngunit agad nabigo nang mabasag ang aking boses."I'm sorry I didn't tell you the truth that..." aniya sa nahihirapang boses.
"That I have a daughter and that's Eunice"Akala ko ay tuluyan na akong namanhid ngunit hindi pa pala dahil muling pumatak ang aking mga luha.
Dito ako naliwanagan. Kaya pala. Kaya pala natanong niya saakin ang tungkol sa ama ni Eunice. Kaya pala palagi niya itong binibilhan ng maski ano ano. Kaya pala.
"B-bakit ngayon mo lang s-sinabi?" naluluhang tanong ko dito.
Girlfriend niya ako eh. Paano niya nagawang mag lihim saakin? Paano niya nagawa saakin 'to?
"I-I was scared,baby" aniya at muling sinubukan akong hawakan.
Pero agad ko muling tinabig ito. Gusto kong malaman ang lahat! Hindi ko kayang palampasin ito!
"Kaylan mo pa nalaman ha?" matigas na sabi ko dito.
At sa unang pagkakataon ay sinalubong ko ng tingin ang mga mata niyang namumula na din at nagbabadya nang tumulo ang mga luha.
"After your b-birthday" sabi niya na muling nag paagos ng aking mga luha.
Bakit ngayon ko lang nalaman? Kung hindi pa na-hospital si Eunice hindi ko pa talaga malalaman?
"May balak ba kayong sabihin saakin ang totoo?" sabi ko at agaran naman siyang tumayo.
"A-anak,patawa-"
"Hindi ko po kayo kinakausap" kahit masakit ay pinilit kong sabihin ito.
Kahit kaylan ay hindi ko napagsalitaan ng ganito si Nanay. Kasi simula noong bata pa lamang ako hanggang ngayon ay minahal niya ako. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pa nila ito nilihim saakin.
"B-baby,yes o-of course. But-"
"You were scared! Yes you were scared" sarkastikong sambit ko sakaniya.
"Anak,makinig ka. Hindi namin sinasadyang masaktan ka" napalingon naman ako kay Nanay.
"Nasaktan niyo na ako. Masaya ba?"
natatawang sabi ko sakanila."Baby, I'm sorry" maluha luhang sabi ni Yash na ngayon ay pilit akong hinahawakan.
Umiling ako sakanila at umayos ng tayo. Hindi muna sa ngayon. Hindi pa sa ngayon. Kasi hindi pa ako handa.
"Where are you going?" napalingon ako kay Yash na ngayon ay namumutla padin.
" Walang mag susunod saakin ah? Kailangan ko lang ng pahinga. Pwede bang bukas ko na lang malaman kung ano man ang kwento ninyong dalawa?" sabi ko at muling tumalikod palabas ng pinto.
Dinig ko pa ang tawag ni Yash at Nanay saakin pero dere-deretso lang ako. Wala na akong lakas para harapin sila ngayong araw.
Umiiyak lang ako nang makasakay ako ng jeep. Yung matandang babae naman ay binigyan ako ng tissue kaya naman natigilan ako sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...