Nang araw na iyon ay naging mailap na si Sir Hans. Nasabi din ni Yash saakin na nag iba nadin ang ugali nito. Mula sa makulit at kalog,naging malamig na ito.Nang matanong ko naman si Amy tungkol dito ay wala itong nasagot saakin. Sabi niya lang ay sobra siyang nasaktan kaya niya nagawang lumayo.
Wala naman akong karapatan na pangunahan ang kaibigan ko dahil unang una sa lahat,hindi ako siya. Kaya hindi ko kaylanman maiintindihan ang nararamdaman niya.
Alam kong nagsisisi ito na umalis siyang walang paalam pero wala na siyang magagawa. Dahil naka pirma na sa kontrata niya sa ibang bansa. Nasabi niya din na mag titiis siya ng mahigit limang taon. Wala silang komunikasyon pero sabi ni Amy gusto niya nga ang gano'n. Dahil doon niya mapapatunayan kung sila ba talaga o hindi. Mate-test niya ito kung makakapag hintay ba si Hans o hindi.
Sobra akong nasaktan sa kanila. Kasi hanggang ngayon ay parehong nasasaktan ang dalawa.
Isang buwan nading nangliligaw saakin si Yash. Nung una naiilang ako kasi binibigyan niya akong bulaklak at chocolate. Pero ngayon ay nasanay nadin. Hindi padin ako makapanilawala na may gusto nga siya saakin.
Natigilan ako sa pag iisip nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" nakangiting sabi ko.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday ate ko!" lalong lumawak ang ngiti saaking labi nang kantahan ako ni
Eunice."Sus! Salamat! Ang galing talagang kumanta ng kapatid ko ah!"
"Mana lang saiyo ate!"
"Teka nasaan si Nanay?"
"Nasa kina kuya- ay hindi! Ano naglabada ate!" natatarantang sabi nito.
"Mag isa ka lang sa bahay?"
"Oo ate! sige na pala ibababa ko na ang tawag! Happy birthday ulit!"
Napakunot naman ang noo ko nang ibaba na nito ang tawag. Tsk. Si Eunice talaga.
Dahil linggo naman ngayon at wala akong ginagawa ay naisipan kong mag log in sa Facebook.
Napangiti ako nang makitang marami nang nag babati saakin ng happy birthday sa wall ko.
Nang binuksan ko ang message box ay nakita ko ang message ni Amy.
Amy Sanchez:
Hello, Luna! Unang una sa lahat, maligayang kaarawan. Maraming salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Salamat sa friendship natin kahit ilang buwan palang tayong magkakilala. Ang wish ko lang saiyo ay sana maging healthy ka palagi. Mabuhay ka hanggang gusto mo,kahit mawala na kami at ikaw nalang nag iisa sa mundo! Biro lang syempre! Ayun nga,ang wish ko din para sayo ay sana forever mo na si Sir Yash! Naku bagay na bagay kayo kaya sagutin mo na! Grabe pa ang pakipot nito! Alam ko namang gustong gusto mo siya! Baka nga mahal na! Sana ay huwag kang magkamali gaya ko. Kasi ayaw kong maranasan mong may pinagsisisihan . Sa lahat ng oras nandito lang ako saiyo. Malayo man ako, palagi kitang dadamayan. Sana maligaya ka ngayong araw na ito. Happy birthday ulit!Nakaka touch ang message saakin ni Amy kaya naman hindi ko napigilang maluha.
Tunay siyang kaibigan kasi palagi siyang nandyan. At tama nga siya kasi kahit nasa malayo siya, palagi niya naman akong dinadamayan.Ako:
Salamat,Amy. Ayus na sana eh kaso ang epal kaya mabuhay mag isa!Hahaha! Pero Salamat talaga. Hindi ko alam kung ilang pasalamat pa ba ang sasabihin ko saiyo kasi alam kong hindi padin magiging sapat iyon.
Mag iingat ka palagi dyan!
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomansaLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...