Chapter 4

210 19 4
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay ang feeling ng pagka excited. Siguro dahil nga secretary na ako. Panigurado tatas naman nito ang sahod ko. Pero kailangan ko pang mag hanap ng ibang pagkakakitaan para mapagipunan ko na ang pagpapagamot ko kay Eunice.

"Magandang buhay! Kuya Guard! Bango natin ah. Teka bakit mukhang may hinahanap ka?" nakita ko kasi itong hindi mapakali at parang may hinahanap.

"Ah hindi! Wala!" natawa ako dahil muntikan pa itong mautal.

"Naku! Sige lang Kuya Guard kahit anong deny mo dyan 'di sakin yan tatalab!" nakangising saad ko lang bago siya tinalikuran ngunit natatawa padin ako dahil panay ang pamumula nito.

Mukhang may napupusuan na nga si Kuya Guard!

"Tss. Good you're here. Miss Secretary" napawi ang ngisi ko nang madinig si Sir Yash.

"Magandang buhay Sir Yash! Maganda ang gising ko ngayon! Kaya please lang huwag mong sirain" bagaman seryoso ako sa pagsabi nito ay tumatawa naman ang isip ko.

"What's with your outfit? Iyan lang ba ang damit mo?" nagulat ako sa tanong niya.

Ayus naman ang damit ko ah?

"Sir? Anong problema sa t-shirt ko at pants?" nakasimangot kong tanong.

"That's not the proper attire Luna" seryoso nitong sabi.

"Hala? Kailangan bang nakahubad ako?" painosente kong saad pero kinakagat ko ang aking labi para mapigilang matawa.

"Bullshit. Stop it Luna" natawa na ako nang makitang pinamulahan ito.

"Joke lang Sir. Nag ba-blush ka oh!" natatawa kong sabi sakanya.

"Tss. Come with me" aniya sabay tayo papuntang pintuan.

"Huh? Saan naman tayo pupunta Sir Yash?" tanong ko dito.

Baka kasi may appointment siyang pupuntahan hindi ako updated,ako pa naman ang secretary niya.

"Mall. I'll buy you some clothes for work" simpleng sabi nito.

Nauna na siya sa elevator kaya naman dali dali akong lumakad papasok dito.

Bahagyang napataas ng kilay dahil nandito sa loob elevator ang mga babaeng marites.
Hindi ito pinapansin ni Sir Yash kahit panay ang impit na mga tili nito. Mukhang sanay na sanay sa center of attraction si Sir!

"Hindi mo man lang ba papansinin iyong mga babaeng iyon Sir" tanong ko dito nang maka labas na kami ng elevator.

"Tss. Why would I?" walang emosyon na sabi nito. Ako naman ay hindi mapigilang mapanguso.

Hindi niya iyon gusto. Sino kaya?

"Saan bang Mall tayo pupunta?" takang tanong ko dito habang inaayos ang seatbelt ko.

"SM" sagot niya naman kaya napatango nalang ako.

Pinindot niya lang ang radio kaya parang nag soundtrip lang kami.

♪♪There are three words,
that I've been dying to say to you.
Burns in my heart,
like a fire that ain't going out ♪♪

Nanlamig ako sa kanta.

♪♪There are three words,
and I want you to know they are true.
I need to let you know ♪♪

Hindi ko pa naman mahal!

♪♪I wanna say I love you
I wanna hold you tight
I want your arms around me
And I want your lips on mine ♪♪

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon