Chapter 28

191 12 0
                                    



Nang makarating kami sa kotse ni Yash ay hindi ko mapigilan masaktan. Wala kasi siyang kibo at hindi man lang ako sinusulyapan.

Kahit na kumakain kami dito kanina ay hindi siya nag sasalita.

Naiisip ko na baka kanina iyong pag halik noya at pag hawak kamay ko ay dala lang iyon ng guilt niya para sa nangyari sa aming nakaraan.

"Uhm i-ihatid mo nalang kami sa apartment ni Daddy" basag ko sa katahimikan namin.

Si Euna kasi ay nakatulog na sa likod.

"Yeah. Kukunin ko na lang bukas ng maaga si Euna" sambit nito nang hindi man lang talaga ako tinitignan.

Ipinilig ko ang aking ulo sa may bintana at ipinikit ko na din ang aking mata.

Mukhang ako lang naman kasi ang umaasa para saamin.

Sinabi ko sakaniya ang address ng apartment ni Daddy at nang makarating na kami ay nagising nadin si Euna.

"Daddy need to work Okay?" dinig kong sabi ni Yash dito.

"Okay Daddy"

Mabuti at madali naman pakiusapan itong si Euna. Sabagay mukhang nasanay nadin ang bata noong nasa Canada pa lamang kami.

"Daddy will see you later or tomorrow okay? Wake up early"

Pagkatapos halikan ni Yash sa ulo si Euna ay binuhat ko na ang bata.

Hindi na siya nagsalita kaya hindi na ako nag-aksayang  lingunin pa siya.

Nang makapasok kami sa apartment ni Daddy ay binaba ko na si Euna.

"Are you happy hmm?" tanong ko dito.

"Yes po Mommy!" aniya kaya napangiti nalang ako.

Napatingin kami kay Nanay na ngayon ay mukhang kakatapos palang mag luto ng agahan.

"MommyLa!" agad nagtungo sj Euna kay Nanay at niyakap ito.

"Nasaan si Daddy,Nay?" tanong ko naman dito.

"Nasa company niya,may aayusin kasi hindi na tayo babalik ng Canada" nakangiting sabi nito.

"Anong niluto mo, Nay? Alas nwebe pa lang ah" sabi ko at

"Nag luto na ako ng maaga para mamaya ay initin ko na lang. Dito kasi kakain ang Daddy mo" sabi pa niya.

"Bumisita na kayo Nay kina Nice?" mahinang thanong ko sakanya.

"Oo. Kasama ko ang Daddy mo kahapon. Nakita niyo ba iyong bulaklak doon?" aniya.

"Opo Nay" tanging sagot ko nalang.

Binigyan ako ni Nanay na isang ngiti na para bang sinasabing okay na ang lahat. Masaya nga ako kasi kung dati kapag napapag-sapan namin ang bahay na ito ay naiiyak ako,ngayon ay hindi na. Dahil gumaan na ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nabunutan na ako ng tinik sa dibdib.

Umupo ako sa tabi ni Euna na ngayon ay nanonood na naman ng mga Disney movie.

"Mommy? When ulit kita Euna Daddy?"
tanong nito saakin.

"Hmm baka bukas? Pero baka din mamaya"
nakangiting sabi ko dito.

Hindi naman naging makulit si Euna kakatanong saakin kung kailan niya makikita ang Daddy niya.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon