Chapter 8

155 16 1
                                    

Chapter 8: Rejected



"Aray ko ang sakit ng ulo ko" mahinang daing ko sabay hawak ng ulo.

Agad naman akong napamulat nang mata nang mapagtantong Lunes ngayon,may trabaho ako!

Pero hindi ako makatayo-tayo dahil nahihilo pa talaga ako. "Hangover"

"Shir Yashhh! Ang shakit na po tanginaa!!!"

"*hik- ghusto  kita! Waaahhh! Gushtong gushto kita! Kasho *hik nagkabalikan na yata kayo ng pangit mong ex!"

Napapikit ako nang maalala ang nangyari kagabi.  Nakakahiya! Baka matanggalan ako ng trabaho!

Nahuguluhan na ako sa sarili ko kung ano ang gagawin. Magso-sorry ba ako? Hindi. Mag papanggap nalang ako na hindi ko naalala ang mga sinabi ko kagabi! Tama magpapanggap na lang ako!

Bigla tuloy akong nagsisi! Dapat pala hindi ako uminom ng marami! Nakakahiya! Wala  na akong mukhang maihaharap sakaniya!

Nang tumingin ako sa sahig ay wala na si Amy.

Siguro nasa kusina siya dahil dinig kong parang may nag titimpla ng kape.

"Luna,mag kape ka nga muna" aniya at tumabi saakin dala-dala ang isang tasa ng kape.

"Okay ka na? Hindi ka nahilo?" nagtatakang tanong ko dito.

"Ayus na ako kasi naka inom na ako ng kape!" nakangiting sabi nito saakin.

Naalala kaya nito ang mga pinagsasabi niya din kabmgabi?

"May naalala ka?" natatawang tanong ko dito.

Sinimangutan niya naman ako bago tumango.

"Kawawa ka naman ka naman mukhang late ka na yata ngayon" aniya pero inirapan ko lang ito.

Ngunit aaminin kong hindi ko maitatago ang kaba. Kaba dahil sa mga pinagsasasabi ko kagabi at kaba para ngayon sa trabaho ko.

"Eh ikaw ba? Itutuloy mo ang pag resign mo?" malungkot kong tanong.

Kasi naman mami-miss ko talaga siya. Siya pa naman ang nag iisang kaibigan ko ngayon.

"Oo eh. Tsaka nakapag ok na ako kay Tita. Baka mamaya lang ako mag re-resign. Grabe din kaya pinagdaanan ko! Syempre alam ko ding ayaw na akong makita ni Sir Hans! Ramdam ko iyon,Luna kaya masakit" bagaman ay nakangiti siya,malungkot naman ang mga mata nito.

"Iiwan mo na pala ako" sambit ko pero ngumiti lang ito at yumakap saakin.

"Mag vi-video call tayo! Salamat,Luna. Kasi nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo. Hindi hindi kita makakalimutan" naiiyak na sabi nito saakin.

"Ano ba naman 'yan Amy! Pinapaiyak mo naman ako! Basta ha? Sinusuportahan kita palagi. Kung saan ka sasaya ay doon din ako. Dapat lang talaga na hindi mo ako makalimutan kasi kung oo hay naku ewan ko lang! Hindi ko malalaman kung anong magagawa ko saiyong babae ka!" natatawang sabi ko dito bagaman ay nalulungkot padin.

"Sige na maligo ka na. Tsaka pumasok ka na lang ng hapon para half day lang ang absent mo. Aalis na din ako aayusin ko na ang resignation ko" aniya.

Maya maya pa mga ay umalis na si Amy. Nakakalungkot lang kasi nang dahil lang kay Sir Hans,mapapalayo siya saakin. Naiinis ako kay Sir Hans kasi mali ang ginawa niya. Pwede namang mang reject nang hindi nang i-insulto diba? Kasi may damdamin din si Amy. Ngayon tuloy ay nasasaktan na ito.

Nagulat ako nang binuksan ko ang messages ng cellphone ko. Maraming text si Sir Yash!

Sir Yash:

Hey,are you still drunk? If not please tell me.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon