"Haha mukhang gino-good time mo lang naman kami Hans! Stop it" natatawang baling ni Tita Eli kay Hans pero natigil din nang lumapit si Amy kay Hans at bumulong na dinig na dinig naman namin.
"Hans! Bakit mo pa kasi sinabi?"
Kahit gulat ay nagawa ko pang kuhanin si Euna na enosenteng nakamasid lang saamin.
"Pregnant? Mommy? Baby?" tanong nito saakin pero hindi ko nasagot.
"Hahaha I knew it,bro!"
Napabaling kami kay Yash nang tumawa ito.
"Oh my gosh! Congratulations hija! Hans!" natatawang sabi ni Tita Eli.
"Congratulations sainyo Hans and Amy" sabi naman ni Tito.
"Congrats bro!" nakita ko pang nag apir sina Hans at Yash.
"Gaga ka! Congratulations!" natatawang sabi ko naman dito.
"Ninang? Baby dyan po?" sabay turo ni Euna sa tiyan ni Amy.
Si Amy naman ay kahit namumula ay tumango ito sa anak ko.
"Good shot Hans! Bakit ngayon mo lang nabuntis?"
Agad kong siniko si Yash dahil sa mga pinagsasasabi nito.
"Hoy may bata!" sabi ko dito.
Talagang bata pa nga si Euna dahil hindi naman nito pinansin ang sinabi ng ama.
Agad naming pinaupo si Amy dahil overprotective si Hans! Ika niya mangangalay daw ang buntis kapag nakatayo ito ng matagal eh hindi pa naman ito halata eh!
"Hoy Hans gusto ko lang malaman mo na kailangan mag lakad lakad niyang si Amy! Kasi kapag higa lang ang gawa niyan buong pagbubuntis niya ay aba baka wala ka nang asawa! Sa probinsiya kasi namin kailangan mag lakad lakad ang buntis,parang exercise niya nadin iyon kasi makakatulong ito para hindi siya gaano mahirapan sa panganganak" seryosong sabi ko dito.
"Totoo?" aniya na kinatango ko.
Kumain muna kami ng agahan dahil gutom nadin ako. Tsaka mabuti nalang at nakapagluto na pala si Yash.
"Malapit na ang pasukan ah. Daycare?" tanong ni Amy nang maiwan kami sa may sofa.
Nasa ibang kanto kasi sina Hans at Yash at Tito. Si Euna naman ay sinusulit ang oras para makapaglaro kay Tita Eli.
"Oo. Bibili na nga din kami mamaya ng mga school supplies ni Euna. Pero mukhang uunahing palitan muna ni Yash ang surname ni Euna" nakangiting saad ko.
"Masaya akong nagkaayos na kayo" aniya.
"Salamat. Hindi ko din na imagine na mangyayari ito. Kasi sa lahat ng nangyari diba? Nagkasakitan na kami at mukhang imposible na ang lahat ng ito" mahinang sabi ko.
Hindi ko namalayang may pumatak na palang luha galing sa mata ko. Kaya natatawang pinalis ko ito. Baka mag alala pa si Yash kapag nakita niyang umiiyak ako dito.
"Congratulations ulit pala! Kelan ang kasal?" tanong ko sakaniya.
"Uhm-"
"Next week"
Napatingin ako kay Hans na deretso punta lapit kay Amy at hinalikan ang buhok nito.
Natatawang tinignan ko na lang ang dalawa.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
