Chapter 9

157 16 1
                                    

Chapter 9:Who told you that



"Aalis ka na ba talaga?" naiiyak kong tanong ngayon kay Amy.

"'Wag ka ngang umiyak! Hindi ako makakaalis nito!" natatawang sabi nito.

"Wala na ngang makapag papabago ng isip mo. Hmmp! Mag ingat ka doon ah! Kumain ka sa tamang oras! Tsaka huwag mong pababayaan ang sarili mo!" dagdag ko pa.

Ngayon na ang alis ni Amy papuntang ibang bansa. Sa Canada kung saan sasama siya sa kaniyang Tita. Kahapon din kasi ay tuluyan na siyang nakapag resign bilang secretary ni Sir Hans.

"Para ka nang si Nanay kung makapag salita! Pero Salamat. Ikaw din, palagi kang mag ingat" nakangiting wika nito.

Bumuntong hininga ako at muli siyang niyakap. Paniguradong mami-miss ko itong babaeng'to!

"Salamat sa lahat,Amy. Tumawag ka saakin kapag nasa Canada ka na ah?" sabi ko.

Tumango naman ito at lumayo na saakin.

"Sus clingy mo Luna! Pero biro lang. Haysst. Salamat sa friendship,malaking bagay ito saakin. Sige na at paniguradong tapos na ang break niyo" binigyan niya ulit ako ng isang yakap bago siya tuluyan nang umalis.

Alam kong mahihirapan akong hindi siya makikita kasi kaibigan ko iyon eh. Sanay akong palagi kaming magkasama.

Agad kong pinalis ang mga luha ko bago ako bumalik sa office ni Sir Yash.

Pagbukas ko ng pinto ay nasa swivel chair ito at may ginagawa sa kaniyang laptop. Matapos ang nangyari kagabi ay hindi ko na ito masyadong pinapansin,kapag may inuutos lang. Kasi nga pakiramdam ko ayaw niya nang marinig ang sasabihin ko tungkol doon sa pag amin ko sakaniya nung lasing ako.

Nang mapansin niya yatang narito na ako ay agad siyang nag angat ng tingin. Nagulat ito nang bahagya.

"Did you cry?" gulat niyang tanong.

"Uhm. Hindi, napuwing lang Sir Yash!" natatawang sabi ko dito.

"Luna, you can fool everyone but not me" aniya kaya napawi ang ngisi ko.

"Flight na ngayon ni Amy" agad akong kumurap kurap para mapigilang humikbi.

"You're gonna miss her right?" tumango ako sakanila.

"Uhm ano may board meeting pala po kayo ngayong 1:00 pm" pag-iiba ko ng usapan.

"Yes I know. But it's just 10:25 in the morning and I don't have anything to do" aniya.

"Uh o-okay po. Ano,ihahanda ko na lang po ang pad ko para mamaya sa board meeting ninyo." sabi ko dito at tumalikod.

Napahinga ako nang maluwag nang hindi ito sumunod saakin.

Hindi naalis sa isip ko si Amy. Sana naman talaga ay makarating siyang safe sa Canada.

Nang mag 12:00 pm na ay dito na kami sa office nag lunch. Si Sir Yash ay naka harap lang sa kaniyang laptop habang ako ay maski ano-anong ginagawa,ma-distract ko lang ang sarili kong tumitig sakaniya.

Agad akong pumunta sa may veranda nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello ate!" masayang bungad saakin ni Eunice.

"Nice! Ano, kamusta ka na? Kayo ni Nanay?" tanong ko dito.

"Okay lang po kami ni Nanay ate! Ate alam mo ba may iku-kuwento ako sayo!" excited nitong sabi saakin.

"Oh?Ano iyon,Nice? Baka may nangliligaw na sayo ah! Naku talaga Eunice kung meron man at mapapauwi ako ng wala sa oras! Wala pa nga ako!" natatawang banta ko dito ngunit tinawanan lang ako nito.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon