Chapter 17

143 12 4
                                    



"Luna,are you breaking up with me?" naluluhang tanong ni Yash saakin habang nakatingin sa mga mata ko.

Agad naman akong umiling dito.

"Hindi. Hindi naman ako nakikipag break. Kaya nga cool off diba?" mahinang saad ko sakaniya.

"Please,baby. No I want to be with you"

Gustuhin ko man ay hindi pwede. May responsibilidad ka na kay Eunice.

"Kaya nga cool off lang kasi ayaw kong mag b-break tayo" kahit anong pigil kong hindi mabasag ang boses, hindi ko nagawa.

"Are you mad at me? Galit ka bang may Eunice na ako?" aniya na agad kong kinailing.

"Hindi naman ako galit sayo na mayroon ka nang Eunice. Sa totoo -
kahit masakit, masaya ako para sainyo. Alam mo bang pangarap ni Eunice ang magkaroon ng tatay at kumpletong pamilya?"

"But I want you baby. Please"

Napasinghap ako at agad umiling. "Please,Yash. Gawin mo na muna ang responsibilidad mo sa kapatid ko. Siya na lang muna ang pagtuunan mo ng pansin. Kalimutan mo na muna kung ano man ang meron tayo sa ngayon"

"But- but we can still be together even if-"

"Hindi na Yash. Please. Pakinggan mo naman ako oh. Masakit para saaking nahihirapan ang kapatid ko. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito. 'Wag na nating sirain. Maging mabuti kang ama sakaniya Yash. Kahit - kahit kalimutan mo na ang pagiging nobyo mo saakin"

"Baby please. We can still be together. I can still be a father at Eunice even if we're together. Please don't give up on us, please"

"Hindi naman ako sumusuko saatin. Mahal kita kaya bakit ako susuko?"

"Then why are you doing this?"

"Hindi sapat na mahal lang kita upang manatili ako. Yash, hindi mo ba ako naintindihan? Mahal kita oo. Pero mahal ko din ang kapatid ko. Siya na muna sa ngayon please"

"But you're not breaking up with me right?"

"Hindi. Hindi pa naman tayo break. Cool off lang para masiguro mo na ang oras mo lang kay Eunice ay wala nang kahati"

"I love you,baby. I'm sorry. I've hurt you" aniya at mabilis na niyakap ako.

Hindi ko na naitago ang hagulhol ko sa kaniyang balikat.

Mahal na mahal ko 'to eh. Pero kailangan niya ng oras para kay Eunice. Ayaw kong makipag sabayan pa para doon. Sapat na saakin na mahal ko siya at mahal niya ako. Hindi na ako mag hahangad pa doon.

Mas lalo akong napaiyak nang halikan nito ang aking labi at dahan dahang tumalikod saakin.

Tinakpan ko ng aking palad ang bibig ko para mapigilang humikbi ng malakas.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama nang makita siyang papalayo saakin.

"Tama lang ang ginawa mo Luna" naiiyak kong bulong sa sarili ko.

Pinalis ko ang aking mga luha bago bumalik sa hospital.

Nang makarating ako doon ay naroroon na si Yash,hindi na mgawang tumingin saakin.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon