"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" sabay sabay naming kanta kay Euna na ngayon ay malawak ang pakakangiti.
"Dali na blow mo na 'yung candle!" saad ko dito.
Mas lalo akong napangiti nang matapos na niyang hipan ang kandila ng cake niya.
"Amy nakuhanan mo ba?"
"Shemp. Luna"
"Yehey eat na Euna!"
Natawa kami kasi mukhang gutom na gutom na ang maliit na batang may birthday.
"Kain na kayo. Amy" saad ko kina Amy na ngayon ay pini-picture-ran padin si Euna.
Filipino food ang handa ni Euna at syempre hindi mawawala ang cake.
"What do you want hmm?" tanong ko dito habang pinapapili siya sa mga pagkain.
"Euna wants this spaghetti Mommy" aniya sabay turo sa spaghetti.
"What else?" tanong ko pa dito.
"What is this Mommy?" sabay turo sa minudo.
"Ah. Minudo yan Euna sa Pilipinas" nakangiting sagot ko dito. "Do you want to try it?" sabi ko pa at tumango naman ito.
Binaba ko muna siya mula sa pagkaka-karga ko para kumuha ng pagkain niya.
"Punta ka na muna kina MommyLa and DaddyLo" sabi ko pa dito.
Nagsandok na ako ng spaghetti pero kaunti lang naman kasi si Euna lang ang kakain,hindi kasi ako kumakain ng spaghetti. Sa kabilang side naman ng plato ay nilagay ko ang kanin at minudo. Mamaya na ako kukuha ng cake,graham,leche flan,at ice cream kapag naka tapos nang kumain ng kanin si Euna.
"Yes Euna. You should use po and opo"
Naabutan kong sabi ni Nanay kay Euna.
"Like what usually do of Mommy?" tanong nito na ikinatango ni Nanay.
"Come here,Euna" sabi ko dito at agad naman itong lumapit.
"Mommy po I want you po to feed Euna po"
Natawa ako nang sobra dahil sa sinabi ni Euna. Naparami ng po! Sobrang galang mo na niyan Euna?!
Kahit sina Hans at Amy ay natawa din dahil sa sinabi ng anak ko.
"Yes baby. Mommy will feed you. Very good! Nag gamit na siya ng po. Pero isa o dalawa lang dapat kasi pangit pakinggan!" natatawang sabi ko dito sabay pisil sa pisngi niya.
"Pero akala ko ba big ka na kaya hindi ka na mag papa-feed kay Mommy?" sabi ko dito.
"Birthday ko po ngayon Euna po. Dapat baby niyo po Euna po ngayon po kasi birthday niya po"
Mas lalong natawa ako dahil mas lalong maraming po ang kaniyang ginamit ngayon.
"Paturo ka pa kay MommyLa sa paggamit ng po at opo hmm? Kapag nasa work si Mommy dapat paturo ka" nakangiting sabi ko at tumango naman ito at humagikgik.
"Subo mo na Euna!"
Maya maya pa ay nagulat ako nang makitang naka nguso ito. Oo nga pala at nakalimutan kong subuan ang bulingit na ito.
Natatawa lang ako habang sinusubuan ito dahil panay ang sulyap niya sa mga regalo! Mas gusto pa ngang buksan muna ang regalo kaysa kumain. Kaya lang alam niyang magagalit ako kapag inuna niya ang mga regalo.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
Roman d'amourLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
