Chapter 6: Kiss
"Luna can you lend me the files about the marketing of our company? Nasa box lang iyon" kanina pa siya hanap ng hanap ng files pero hindi niya padin nakita.
"Saan ba iyon,Sir? Andami kasing storage box dito" saad ko naman.
Marami talaga kasing storage box dito sa may bodega ng company.
"Got it!" sa wakas at nahanap na niya!
Grabe ang init init dito!
"I thought I'll never see it!" saad niya na kinangiti ko.
Talaga namang maraming babae ang mahuhumaling sakaniya.
Mula palang sa mata niyang brown ay nakakaakit na ito.
Perpekto ba ang lalaking ito?
Ang ilong niya na matangos ay namamawis na. At ang kilay nito ay perpekto sa mga mata niya. Mas lalong nakakahanga ang pilik mata nito sa sumasabay sa pagkurap nito. Ang mga labi niya naman ay namumula na akala mo ay nag lipstick kahit hindi naman.
Hindi ko namalayan ang sarili kong pinagpapantasyahan na pala ito si Sir Yash. Kaya naman agad akong namula.
"Sir? Para saan ba iyang files?" pagkuwaan ay tanong ko dito.
Dati kasi ay wala naman siyang pakialam sa mga files na iyon.
"I just wanna check it" aniya.
Gabi na ngayon pero nag overtime kami. Madami kasing ginagawa sa trabaho.
"Luna ? Can you buy me a water? I'm really thirsty" napatango naman ako at dali daling lumabas.
Paglabas ko sa elevator ay may nakasalubong akong babae.
Matangkad ito ngunit mas matangkad ako. Maiksi din ang damit nito na kulang nalang ipakita ang pinaka iingatang yaman.
Nang mag tama ang paningin namin ay inirapan ako nito.
Luh? Taray ka dyan sis?
Naku kung sa ibang araw ito, nasabunutan ko na buhok niya! Tinitignan lang nang iirap na agad?! Masuwerte siya ngayon kasi nag mamadali ako!
Pagkatapos kong makabili ng tubig sa store sa baba ay deretso agad ako sa taas,sa office ni Sir.
Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako.
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita.
Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Si Sir Yash,may kahalikan. Hindi pa limang sigundo ay lumayo si Sir Yash sa babae at matalim itong tinignan.
"What's the problem babe?" malanding anas ng babae.
Ako naman ay nanlamig sa kinatatayuan.
Mukhang hindi nila ako nakita. Ngunit kumunot naman ang noo ko nang mapagtantong iyong babaeng umirap saakin kanina ang babae ngayon na nakikita ko.
Hindi ko namalayan na tumikhim pala ako kaya naman nabaling ang atensyon saakin ng dalawa.
Nagulat ako nang lumapit saakin si Sir Yash.
Lalong natigilan dahil hinapit nito ang bewang ko.
"Stop it,Lea. I have a girlfriend now" malamig na sabi nito sa babaeng nag ngangalang Lea.
Yung Lea pala ang ex niya?
"What?! you're just fooling me!" agad naman nanglaki ang mata ko sa narinig.
Grabe naman pala kadesperada ang babaeng 'to!
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
