"Tss. Who told you that?"aniya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"huh?" nahuguluhan kong tanong dito.
"Well, you're such a good predictor then"
aniya sa malamig na sabi.
Ako naman ay agad nanlamig. Akala ko pa naman ay gusto niya din ako.
Assumers lang,Luna?!
Pero hindi ko maiwasang masaktan. Parang mas bumigat ang aking pakiramdam.
"Uh. Sige Salamat na lang. Bababa na ako" hindi ko alam pero nag uunahan na palang tumulo ang mga luha ko.
Takte! Hindi pwede 'to! Hindi niya dapat makitang umiyak ako!
Ngunit agad din akong natigilan nang hawakan nito ang kamay ko. Mas dumoble sa bilis ang tibok ng puso ko. At ang pakiramdam na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
"What the! You're crying" gulat nitong sabi nang makita akong namumula na ang mga mata.
"Ano- uhm napuwing lang po Sir!" natatarantang sabi ko at pinipigilang maluha ulit.
"Walang alikabok sa kotse ko, Luna" aniya sabay ngisi saakin.
Sa kabila ng nagbabadyang mga luha ay nagawa ko itong irapan.
"Alam mo? Siguro hobby niyong mag paiyak talaga ng babae!" inis kong sabi dito.
Wala na akong pakialam kung magalit siya. Boss ko siya pero wala na kami sa trabaho.
"What are you saying. Hindi ko gawain iyon Luna" sabi nito sa malamig na boses.
Pero hindi ako nagpadala.
"Ginawa mo na nga!" gusto kong batukan ang sarili ko dahi heto na naman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos.
"Shh. I'm sorry, I didn't mean to" pag aalu pa nito saakin.
Ngunit hindi ko na mapigilang humikbi na dapat hindi ko talaga ginawa dahil binalot ako nito ng yakap.
Yakap na tila ba ay ang tahanan ko. Na kapag mawawala ako ay tanging yakap niya lang ang makakapag pabalik saakin. Na sa lahat ng problema ko,ang yakap niya lang ang makakapag pagaan ng loob ko. Yakap niya na kung saan ramdam kong ligtas ako.
Yakap na kung pwede sanang sabihin ko na puno ng pagmamahal.
Nang kumalma na ako at natigil na sa pag iyak ay unti unti akong lumayo sakaniya.
Kasi patuloy niya lang ako nitong pinapa-asa.
"Sorry I didn't mean it. I'm sorry if I made you cry" aniya habang nakatingin sa mga mata ko.
Ako naman pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"O-okay lang po Sir. Sorry po talaga kung nagkaroon ako ng pagtingin sainyo. Huwag po kayong mag alala dahil susubukan ko nang kalimutan kayo" kahit na nasasaktan ay pinilit kong sabihin ito sakaniya.
"Hmm? You're gonna give up?" nagulat ako sa malungkot nitong tanong.
Hay naku,Luna! At baka mamali ka na naman! Baka mag assume ka na naman ng mga bagay bagay!
"Sir,umayos ka nga! Okay alam ko naman na rejected na ako diba? Pero 'wag ka naman gumawa sana ng mga bagay na magiging dahilan kung bakit ako nag a-assume"
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
