Kung walang nakaraan wala ding kasalukuyan.Minsan nakakasakit ang nakaraan pero lahat naman ito ay may dahilan. Minsan nga ay pinagdarasal pa natin na sana ay malimutan na ito pero hindi padin nangyayari kasi nga parte na ito ng buhay at kahit kaylan hindi na ito mawawala saating pagkatao. Masakit man ang nakaraan,alam kong magiging masaya naman tayo sa kasalukuyan.
"Hmmm. Not yet. Don't go, please"
Napangiti ako nang humigpit ang yakap ni Yash saakin mula sa likuran ko.
Dito na niya kami pinatuloy pero syempre pinagpaalam niya din kina Daddy at Nanay kahapon.
"Kailangan kong mag handa ng agahan natin Yash" saway ko dito pero parang wala lang siyang narinig.
"It's too early" sabi nito,mukhang inaantok pa nga siya.
"Pero-"
"Love, it's just 5:30 in the morning. Seriously? You're going to prepare our breakfast at this time?" sambit nito.
Love.
Sabi niya Love na lang daw ang itatawag niya saakin kasi baka kapag baby eh maguluhan pa kami ni Euna kung sino daw ba ang tinatawag niya!
Hindi ko mapigilang ngumiti. Parang ang dali ng lahat. Hindi ko maipaliwanag ang aking sayang nararamdaman ngayon.
"Oo na" natatawang sabi ko.
"Please tell me your life in abroad" sambit pa nito.
Humarap ako sakaniya at nang magtama ang aming mata ay agad ako nitong hinalikan.
"Noong una nanibago pa ako. Kasi syempre lahat ingleshero ang mga tao doon. Nakakaintindi naman ako ng English pero kasi mahirap para saakin ang magsalita nito" panimula ko,siya naman ay tahimik lang na tinitignan ako ng mabuti at payapang nakikinig.
"Ayun nga lagi akong nahihilo doon tsaka naduduwal din. Syempre dahil broken pa ako nun tsaka malungkot pa ako sa pagkawala ninyo saakin ni Baby Yanna, hindi agad ako nag conclude na baka nga buntis pa ako. Dahil sa pag-aalala nina Daddy pina check up niya ako at doon namin nalaman na buntis nga ako" huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga mata niyang namumula na, pinipigilang maiyak.
Hindi ko kayang makita siyang umiiyak kaya hinalikan ko ang gilid ng mata nito at isiniksik ko ang sarili sa may dibdib niya. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso nito.
"Hindi ako makapaniwala na may isa pa palang heartbeat sa tiyan ko. Kaya ayun mabuti at may mga magulang ako pati nadin sina Hans at Amy"
"I-I wish I was there" aniya sa nahihirapang boses.
"Nakiusap akong 'wag nilang sabihin sayo ito dahil gusto ko sa tamang panahon na kapag handa na ako. Pero maiba tayo,alam mo bang nagulat ako nang makita doon si Hans?"
"Tss. She followed Amy" napapailing na sabi ni Yash.
Napaupo ako para tignan siya. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay at muling niyakap.
"Ano ba! Upo nalang kaya tayo! Ambigat ng mga braso mo!" nakabusangot na saad ko.
Siya naman ay bahagyang natawa. Umupo kami at sumandal sa headboard ng kama. Pero ilang sandali pa ay niyakap niya ulit ako at isiniksik sa dibdib niya.
"Can you tell me about your pregnancy?"
mahinang saad nito."Naiiyak ako kapag hindi nakukuha ang gusto ko. Kasi kadalasan eh mangga ang palagi kong hinahanap. Ang masaklap ay iyong Indian mango pa! Eh ang hirap kayang makakuha 'non! Pero mabuti nalang at mahal ako ni Daddy kaya nakakakain din ako ng mangga" nakangiting sabi ko habang inaalala noong pinagbubuntis ko si Euna. Naramdaman ko namang mas humigpit ang yakap niya saakin.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...