Chapter 25

170 15 0
                                    


Mabilis ang mga hininga ko lalong lalo na ang tibok ng puso ko.

"Mommy!"

Natinag ako nang madinig ang tinig ni Euna. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito liningon at pinuntahan.

"Baby dito ka muna ah?" nakangiting sabi ko dito.

Kinalma ko ang pakiramdam ko. Dahil sa takot at lungkot hindi para saakin kundi para sa anak kong naghahanap ng presensya at pagmamahal mula sa kaniyang ama.

"Sige po Mommy! Euna's really happy!" aniya habang masayang masayang nagtataas baba sa rides.

Ngumiti saakin si Nanay at bahagyang inginuso ang kaninang kinaroroonan ni Yash. Mukhang nakita niya din ito kanina.

"Nay,dito muna kayo ni Euna. Babalik din ako pero kapag natagalan i-Jollibee mo nalang muna si Euna" sabi ko dito bago tumalikod para hanapin si Yash.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Halo Halo na kasi ang lahat.

Palinga-linga ako sa labas ng mall para hanapin siya. Ilang minuto din akong naghanap pero hindi ko padin siya nakikita. Kaya naman naisipan ko nang bumalik sa loob.

Papasok na sana ako nang makita ko ang pamilyar niyang likod.

Parang tinatambol ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang lungkot na aking nararamdaman.

"Kaya mo 'to,Luna. Para kay Euna" bulong ko sa sarili ko habang papalapit dito.

Alam ko sa sarili ko na siya talaga ito dahil kilalang kilala ko siya.

"Y-Yash. Pwede ba tayong m-mag usap?" nabigo ako dahil agad na pumiyok ang boses ko.

Hindi ako makahinga nang tuluyan na itong lumingon saakin.

Nang magtama ang aming mga mata ay wala akong nakikitang reaksyon mula dito. Kaya naman mas lalong nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman.

"Luna" mahinang sambit niya.

Matikas ang kaniyang katawan. Mas lakong tumikas matapos ang limang taon. Pero ang lamig ng kaniyang mata, hindi makakatakas saakin.

"P-wede bang mag usap tayo?" muling tanong ko dito,napapalunok.

"If you're here to blame me of what's happened before then I'm sorry. I'm still sorry. But please. I don't want to see you again. Because seeing you feels like my babies.... my past is hunting me" malamig na sabi nito ngunit hindi nawala ang bahid na sakit.

"H-hindi. Patawad may kasalanan din ako sa nakaraan p-pero gusto ko nang p-palayain iyon-"

"Then what are you doing here? Look, I want to live my life without you. You know I was happy without you. My miserable life finally changed. And now that I'm healed you're going to talk with me? For what? To hurt me again?" malamig na sabi nito.

Hindi ko alam kung paano ko ito natagalan. Kasi lahat ng salita niya ay parang sumasaksak ng puso ko.

"S-sorry kung iniwan kita-"

"No need. I forgive you even if you didn't want my forgiveness years ago"

Ang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang bumuhos. Kaya naman nagmamadali kong pinunas ito. Mabuti nalang at nasa may parteng gilid kami sa labas ng mall kaya naman batid kong walang makakakita saamin dito.

"Y-Yash please gusto kong malaman mo na-"

gusto kong malaman mo na may anak pa tayo

"I don't wanna hear that. Stop explaining. I'm okay right now don't you see?"

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon