Chapter 23

183 15 0
                                    


"Oh my God! What happened baby?" nag aalalang tanong ko dito.

"They were teasing,Euna Mommy! Pity Euna!" naiiyak na sabi nito at agad yumakap saakin.

"She was teased by the other kids"

Napatingin ako sa kasama nito.

"Mommy! aaway Euna! But Dada came!"

"Nay?" tawag ko kay Nanay na ngayon ay natatawa na din.

"Nakipaglaro siya sa mga bata Luna. Away bata lang naman!" natatawang sabi naman ni Nanay.

Binuhat ko si Euna para patahanin ito.

"Hush. Baby. Stop crying na" bulong ko dito.

"Pinainom ko na siya ng milk" sabi ni Keith habang hinahagod ang likod ni Euna.

"Sige, Keith,Nay sa taas muna kami ni Euna" sabi ko sakanila.

Aakyat na sana ako pataas pero nahawakan ni Keith ang braso ko.

"Can I come with you?" tanong nito na kinakunot ng noo ko.

"Keith"

Napatingin kami kay Daddy na ngayon ay nakataas ang kilay. Kita ko naman na napahiya si Keith kaya ngumiti nalang ito saakin.

Pumunta na ako sa kwarto namin at inilapag ko sa higaan si Euna.

"Hmm? You're still crying?" malambing kong sabi dito.

"It hurts Mommy. Aaway nila Baby Euna"

Napangiwi ako nang lumandas ang mga luha nito sa mapuputing pisngi niya.

"Hug mommy!" aniya kaya binigyan ko ito ng isang mahigpit na yakap.

Napapikit ako at dinama ang yakap ng anak ko. At naalala kong muli ang nakaraan kung saan ay nagpa luha saakin.

Lagi akong nahihilo nang mga panahong iyon kaya naisipan ni Daddy na ipatingin ako sa doctor.

"I think you need to use a pregnancy test,Miss Morales"

"Po? I mean seriously? I - I just lost my child" mahinang sabi ko kay Doktora.

"Well, there's a possibility that they were twin,Miss. And we'll know that if you try to used it"

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon.

Nang ibigay saakin ng Doctor ang dalawang pregnancy test ay agad akong nagpunta sa cr.

Nanginginig ang kamay ko nang i-try ko ito.

Napatakip ako ng bibig nang makita na 2 lines ang lumabas!

Nanginginig padin ang mga kamay ko kaya huminga ako ng malalim bago i-try ulit iyong isa.

At nang dalawang lines ulit ang naging resulta ay hindi ko mapigilang mapaluha.

"Mommy? iyak ka din? may aaway din sa Mommy ko?"

Natauhan ako nang punasan ni Euna ang pisngi ko. Nakanguso ito pero tuloy-tuloy padin sa pag agos ang mga luha niya.

Ang hirap talaga sa batang ito ay ang tagal bago ko mapatahan! Nakakatawa lang kasi ang cute niya palagi lalo na kung ganitong bahagyang nakanguso at namumula na!

"You are wiping Mommy's tears while yours is still falling down?" malambing na sabi ko dito habang hinahaplos ang maganda niyang buhok.

"Euna don't want to see Mommy cries. It's hurts there" turo niya sa kaniyang dibdib pero napatawa ako nang sa kanan niya ito tinuro!

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon