Pagkatapos ng halos limang taon. Sa lahat ng nangyari saakin ay unti-unti ko nang natatanggap ang lahat ng masasakit na alaala.Everything's happen for a reason.
Siguro oo. Kasi kung hindi ako lumayo ay hindi ko pa siguro ngayon bibitawan ang masasakit na nangyari nung araw.Tama nga ang sinabi ni Tita Eli.
Kamusta na kaya sila?
Napahinga ako ng malalim. Hanggang ngayon ba naman....
"Hoy! Halika na nga at baka ma late tayo!"
Napabalik ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Amy.
Oo nandito kami ngayon sa Canada.
"Ang aga aga pa yata!" inis kong sabi dito.
"Ay naku! Iiwan talaga kita !" aniya kaya napatawa nalang ako.
Sa pamamalagi namin dito ay mas nakilala namin ang isa't isa. Naging mas matalik na magkaibigan kaya ayun parang magkapatid na ngayon.
"Love!"
Napangiti ako nang makita si Hans na papalapit saamin.
At syempre itong abnoy kong best friend ay kilig na kilig na naman!
"Hala! Kanina ka pa ba dito Love?"
napairap ako dahil sa ka-sweet-an ng dalawang 'to!"Hindi naman mga mga minutes lang" nakangiting saad naman ni Yash sakanila.
Hindi ko maiwasang malungkot kapag naaalala ko si Yash. Kamusta na din kaya siya?
"Alam niyo? Konti nalang siguro lalanggamin na kayo! Ano ba naman yan!" kunyareng naiinis kong sabi sa dalawa.
Binilatan lang ako ni Amy kaya agad akong napangiwi.
"Tss. Ampalaya ka lang Luna! Blee!" natatawang sabi ni Amy kaya hinampas ko ito.
"Stop it Luna! Bumalik ka na lang kasi ng Pilipinas!"
Natigilan si Hans matapos niyang sabihin iyon. Kahit ako ay natigilan din. Pero agad ko itong ipinagsawalang bahala. Baka kung ano pang iispin ko na naman.
"I'm sorry Luna" nakita ko ang sinseridad sa mata ni Hans at nakita ko ding siniko ito ni Amy kaya napatawa nalang ako.
"Ano ba kayo! Ayus lang! Tara na nga at makikipag third wheel pa ako sainyo" natatawang baling ko sa dalawa.
Hindi naman sa naiinggit pero parang gano'n nadin iyon. Humahanga ako sa dalawang ito. Isipin mo iyon naabutan ko na dito si Hans?
Kaya pala hindi ko na siya nakikita noon kasi nandito siya at sila nang dalawa! Hindi man lang nagsabi ang babaknit na'to!
Dahil linggo ngayon ay nagpasyal kaming tatlo. Hindi naman ako sumasama sa date ng dalawang ito, ngayon lang. Ewan ko ba basta napilit lang ako nitong si Amy!
"Ang gaganda talaga ng lugar dito sa Canada 'no?" sabi ni Amy habang kumakain kami sa isang street food na restaurant.
"Ibang bansa kasi eh. Tsaka maganda din naman Pilipinas ah?" sabat naman ni Hans na ngayon ay nakita kong siniko muli ni Amy.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kung matatawa sa dalawang ito! Ang ingay ingay palagi! Parang hindi naman sila nag de-date kasi parang nag aaway lang naman sila palagi! Ewan ko ba sa dalawang ito pero isa lang ang sigurado ako,na mahal nila ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...