"You are 4 weeks pregnant, Ms. Morales" salitang hindi maalis-alis saaking isipan.
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Saya,galak,kaba at takot.
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa dami ng iniisip. Kinakabahan ako kung sakaling buntis nga ako. Ngunit ngayon na nakumpirma ko na ay namayani padin ang galak at kasiyahan. Parang bigla akong nakaramdam ng excitement matapos ang lahat-lahat na hindi magandang nangyari.
Kanina lang nang pumunta ako sa OB ay hindi ko kasama si Nanay. Nagpaalam lang ako sakaniyang may pupuntahan ako pero hindi ko sinabing sa OB iyon. Kinabahan ako dahil sa lagay ni Nanay at may parte padin saakin na parang ayaw iwan siya kanina kasi baka gawin niya ulit iyon. Kaso nangako naman siya saakin na hindi niya ulit gagawin iyon at may tiwala ako sakaniya.
Naisip ko si Yash.
Magugustuhan niya kaya ito?
Hindi ko alam pero pinanggiliran ako ng luha.
Paano kung hindi niya matanggap? Paano kung ayaw niya nang magkaroon ng anak?
Nanggigilid na ang luha ko kaya inalis ko ang isipan ko tungkol doon.
Nang makarating ako sa boarding house ay nilapag ko ang mga pinamili kong gulay,karneng baboy,at prutas.
Nasabi kasi ng OB na kailangan daw na healthy ako. May binigay din siyang vitamins para saakin.
Ngunit laking gulat ko nalamang nang may makita ko si Nanay at ang isang lalake sa may kusina.
Nangunot ang noo ko nang tumingin sakanila.
"Bakit ka pa bumalik hah?! Diba iniwan mo na ako?! Bakit ka ngayon babalik?! Para ano pa?!"
"I want you back,Lilah! I want you back! And fvck! I am so desperate to find you! Imagine 28 years without you!"
"Bakit parang ako pa dito ang may kasalanan hah? Gusto mo akong bumalik pero hindi naman ako ang umalis. Nagpapatawa ka ba?!"
"I'm sorry I didn't mean to-"
"Umalis ka na-"
"Not now! Please,Lilah. I'm sorry but please I want you. I'm longing for you,Lilah"
Nanlaki ang mata ko sa natuklasan at nadinig.
"Nay?"
Kita ko ang gulat sa mata ni Nanay nang magsalita ako. Nang nilipat ko naman ang tingin sa lalaking kausap niya ay kita ko din ang gulat sa mukha nito.
"A-anak nandyan ka na p-pala" nauutal na sabi ni Nanay.
"Lilah,care to explain what's happening?" matigas na boses na sabi ng lalaki.
Ako ay taka pading nakatingin sa kanila at nahihimagan ko pading talaga ang tensyon.
"Umalis ka na Lucas! "
"Why is she- why is she looks like me,Lilah?"
nanghina ang lalaking Lucas matapos niya sabihin iyon.Ako naman ay mukhang naliliwanagan na sa mga nangyayari.
Hindi ko alam pero namasa ang gilid ng mata ko nang makitang pareho ng aking mata ang mata ng lalaking ito.
"Lilah, please answer me. Answer me, please"
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...