Chapter 3

268 24 2
                                        

Chapter 3: You're welcome

Tatlong linggo na simula nang maging janitress ako dito sa kumpanya ng mga Villarreal. Maayos naman ang trabaho ko dahil sanay naman ako sa mga pag lilinis.

Palagi ko ding nakikita si Amy kaya naman araw araw kaming nagkakausap. Sa tatlong linggo dito ay mas nakilala ko pa siya. Simple lang kasi siya gaya ko kaya naman magkasundong sundo talaga kami. Si Mr. Villarreal naman ay ganoon padin. Mukhang palaging galit pero hindi naman. Cold hearted lang kung baga.

Ngayon ay alas nuwebe na ng gabi. Nag overtime ako para naman makadagdag sa isasahod ko.

Pakanta kanta lang ako nang pumasok sa office ni Mr. Villarreal. Ngunit laking gulat ko nang makita itong nandoon sa kaniyang swivel chair! Ang malala pa ay naka topless lang ito!

"Ay potik! Sorry po Sir!" muntik pa akong mautal dahil sa kagihiyan at kaba. Kaba dahil baka magalit ito na hindi ako kumatok kaya nakita ko siyang naka topless.

"Tss. It looks like you see a ghost" malamig na sabi nito saakin.

Talaga naman. Kaylan kaya ito magbabago,mas malamig pa siya sa yelo!

"May multo nga sir!" nakangising saad ko habang naka talikod.

Bigla akong namula dahil sa nakita ko kanina. 8 packs na abs!

Natigil ako nang magsalita ulit si Mr. Villarreal.

"Where?" may panunutya sa tinig nito.

"Nako! Nasa likod ko po sir! Naka topless,naka upo sa kaniyang swivel chair at kausap ko! Mahabagin ayos lang na may multo nakita ko ba naman yung 8 packs na abs!" ngingiti ngiti ako pero agad ding napatili nang mapagtantong nasigaw ko ang dapat sa isip ko lang sana!

"The fvck!" bagaman tumatawa ito ako naman ay pinamulahan lalo ng mukha!

Kahit kailan talaga ay pahamak ang lintek kong bibig na ito!

"Ano Sir ang ibig kong sabihin-" hindi na ako natapos mag salita dahil tinawanan lang ako nito.

"You can't fool me . Well if I'll be a ghost,a fvcking hot ghost then" Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na lang ito pinansin.

Nagsimula na lang akong mag linis para naman mawala sa isip ko ang kahihiyan ngunit mas lumala pa ito nang makita kong naka topless padin siya!

"Sir mag bihis ka naman po! Maaabuso ang virgin kong mata!" natataranta kong sabi. Hindi makatingin sakaniya dahil alam kong pinag lalaruan lang ako nito.

"Eh? Why would I? I thought you likes my 8 packs abs?" napapikit ako nang mariin at hindi nalang nag salita.

Peste naman! Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil para na siguro akong kamatis dahil sa sobrang pamumula ng mukha ko! Kasalanan ito ng hinayupak kong boss na ito! Naku talaga! Kung wala lang siyang abs baka nasipa ko na siya!Teka anong sabi ko? Kung wala lang siyang abs baka nasipa ko na siya? Nako nabubuang na talaga ako! Mahabagin!

Landi mo Luna!

Hindi ko alam kung bakit nag overtime itong si Mr. Villarreal. Kasi minsan hindi ko naman ito naaabutan tuwing maglilinis ako ng office niya.

Si Amy naman ay umaga hanggang hapon ko lang nakikita. Magkaibigan na kami ngayon at ayos ito saakin dahil masaya siyang kasama at wala din naman akong kaibigan.

"Luna?" natigil ako sa paglilinis nang marinig ko itong ginawag ako.

Nagulat ako dahil first time niyang tawagin ako sa pangalan ko.

"Ano po 'yun?" pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko bago humarap sakaniya at laking pasasalamat ko kasi may damit na ito. Ngunit nabigo akong kumalma dahil lalo lamang na bumilis ang tibok ng puso ko.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon