Chapter 27

198 13 2
                                    



Napagod yata si Euna nang araw naiyon dahil agad siyang nakatulog. Hindi padin ako makapanilawala sa mga kahihiyang pinagsasabi niya!



"Hala Euna! Nasa park tayo okay? Hindi pwedeng mag k-kiss!" sabi ko dito.

Hindi ko alam pero parang tinatambol talaga ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito!

"But I just saw earlier the two couples kissing!"

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil hindi ko talaga kinakaya ito!

Paano nangyari na ang isang apat na taong gulang na bata ay may isip nang ganito!

"Euna,hindi kami gano'n ng Daddy mo-"

"Okay,Baby. If that's what you want"

If that's what you want.

Hindi ko alam pero agad akong natahimik matapos madinig ito kay Yash. Gano'n din kasi ang kaniyang sinabi limang taon na ang nakaraan.

"Really Daddy? You're going to kiss Mommy?!"

Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita naman itong si Euna.

Naku! Pahamak talaga saakin ang batang ito!

"Euna- "

Pero agad din akong natigil nang lumapit saakin si Yash.

Nanlalaki ang mga mata ko at mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

Luna! Kalma ka lang ano ba!

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil pati mga kamay ko ay nanginginig na din!

Sobra nang lapit ng mukha namin at naduduling na ako kakatingin sakaniya. Kaya unti-unti kong sinarado ang aking mata.

Bahagya akong nagulat nang maramdam ang ang kaniyang hininga sa kaliwa kong pisngi.

At mas lalo akong nagulat nang halikan niya ako!!!........ sa pisngi lang naman.

Ah gano'n Luna? Disappointed ka?

Namula ako sa mga pinagiisip ko kay dali dali kong dinaluhan si Euna na ngayon ay humahagikhik na.

"Tama na iyon ah" sabi ko kay Euna.

Nahihiya padin ako kasi may pa-pikit-pikit pa ako ng mata kanina! Eh sa pisngi lang naman pala!

Hindi naman sa nadi- disappoint ako pero,parang gano'n na nga!

Aba! Ewan ko na! Baka sabihin niya gusto ko ding sa labi! Pero gano'n na din iyon.

Napakamot ako sa ulo dahil sa mga pinag-iisip.








Napailing iling na lang ako sa sarili ko. Hindi padin mawala-wala ang hiyang nararamdaman ko.

Nandito kami ngayon sa condo ni Yash. Sa dating condo niya. Ipinaalam ko na din ito kina Nanay at Daddy. Mabuti nalang at pumayag si Daddy! Kasi napaka over protected niya saamin ni Euna.

"Good morning, Mommy!"

Napangiti ako nang humalik saaking pisngi si Euna at niyakap ako.

"Kanina ka pa ba gising hmm?" nakangiting tanong ko dito habang pinipisil ang matatambok niyang pisngi.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon