Ilang araw din akong hindi naka dalaw sa hospital. At ngayon ay napag isip-isip kong kailangan ko nang dalawin ang kapatid ko. Hindi naman ako galit kay Eunice dahil wala naman siyang kasalanan.
"B-baby! You're here!"
Napatingin ako kay Yash na ngayon ay nasa labas ng pintuan ng room ni Eunice.
Binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti bago nag salita. Ito ang unang pagkakataon kung saan kakausapin ko siya. Matapos kasi nang araw na malaman ko ang totoo ay hindi ko siya kinikausap at palaging iniiwasan. Kapag naman pumupunta siya sa boarding house ko ay hindi ko ito pinagbubuksan,sinisilip ko lang sa may bintana.
"Kamusta si Eunice? Maayos ba ang kalagayan niya?"
"Minsan sumasakit ang puso. I'm still searching for a heart donor" malungkot na sabi nito.
Bigla naman tuloy akong na guilty,kailangan niya ako pero wala ako sa tabi niya. Pero masisisi ba ako? Nasaktan lang naman ako.
"Yash, ayaw kong magsinungaling sayo. Hindi pa sapat ang ipon kong pera para maipagamot si Eunice. Tutal ikaw din naman ang ama niya,maaari bang ihabilin ko sayo ang mga gastusin sa operasyon niya?" tanong ko dito habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
"N-no! I mean you don't have to say t-that. I am responsible for Eunice" aniya kaya napatango nalang ako.
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang gagawin at sasabihin ko. Kaya natahimik lang ako.
"L-luna,uhm can we t-talk?" aniya kaya napa-angat ako ng tingin sakaniya.
"Nag uusap na kaya tayo" natatawang sabi ko dito.
"I mean you know about u-us"
napatango naman ako sa sinabi niya.Ginaya niya ako palabas ng hospital at pumunta sa kanyang kotse. Hindi ako nagsalita dahil gusto ko muna siyang patapusin.
"I'm s-sorry" panimula niya at parang kinukurot ang puso ko nang mabasag ang boses nito.
"May plano naman akong sabihin sayo ang totoo but yes you were right. I was scared"
Mabuti na lang at hindi ako naluha pero masakit saaking marinig ang lahat ng ito.
" I was 18 when that's happened. And like your mother, I was drunk too. I don't remember anything from that night but I just know that-you know something's happened between us"
Hindi ko alam na may ikakasakit pa pala sa mga nadinig ko sakaniya.Masakit malaman na may nangyari sakanila ng Nanay ko.
"B-bakit ka nag l-lasing?" tanong ko dito.
"I was heartbroken" aniya kaya napatingin ako sakaniya.
Nang dahil kay Lea ba?
"Kay Lea ba?"
Pero umiling siya na mas lalong nagpa-gulat saakin.
"S-sino?" tanong ko pa at nakita kong bahagyang namutla ito.
"My first l-love. It's Karen"
Nagulat ako sa nalaman. Hindi ko inakalang first love niya si Karen.
Bago pa ako magsalita ay agad na niya akong pinutol.
"Don't get me wrong okay? She's just my first love but we're friends now" aniya na kinatango ko na lamang.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...