"God. I'm so exhausted" napatingin ako sa boss kong mukhang stress na stress na nga sa kaniyang swivel chair.
"Oh? Anong problema Sir Yash?" tanong ko dito.
Sir Yash padin ang tawag ko sakaniya kapag nasa office kami. Nakasanayan ko na din kasi.
"Ugh. Maybe I just need a hug?" nakasimangot na tanong nito pero inirapan ko lang.
"Bro?"
nagulat ako nang makita si Sir Hans.Ilang buwan din namin kasi siyang hindi nakaka usap.
"You, okay?" tanong ni Yash sakaniya at binigyan lang ng ngiti ni Sir Hans.
"Luna? is- Is she's okay?" nakangiting tanong nito saakin.
"Oo naman. Palagi ka ding kinakamusta nun!" natatawang sabi ko nang maalala noong isang araw.
Mukhang hindi na kasi makatiis si Amy kaya tinanong niya saakin kung maayos lang daw ba ang kalagayan nitong si Sir Hans.
"Heard it bro? She still care for you" nakangiting sabi naman ni Yash.
Nagkibit balikat lang ako at nginitian silang dalawa.
"Uhm bili muna ako sa labas" paalam ko sa dalawa dahil baka kailangan nila ng privacy.
Napapairap nalang ako nang marinig kong pinag tsi-tsismisan ako sa may elevator.
"Ano?! Nililigawan ni Sir Yash ang malanding babaeng 'yun?!"
"Ghurl shut up. Baka marinig ka!
"Eh ano naman kung marinig ako?! Totoo namang malandi iyon!"
"True. Hindi naman dati nag papa-apekto si Sir Yash sa mga girls diba?"
"Naku kung pag tsi-tsismisan niyo nalang ako. Mas mabuti pang umalis na kayo" pagtataray ko sa mga ito.
"Wow! Sino ka ba? Hamak na secretary ka lang!" sabat naman ng isa ngunit agad na din itong kinalabit ng kaibigan.
"Hiyang hiya naman sayo. Hamak na janitress ka lang!" sigaw ko dito.
Kung makapang maliit saakin akala mo naman kung sino,isang janitress lang naman siya dito! Tsaka hindi naman kagandahan! Para na siyang clown sa kapal ng make up lalong lalo na sa may pisngi!
"Ate!" tawag ko kay ate Vendor nang makalabas ako ng building.
Nagulat ako nang makitang nandoon din si Kuya Guard!
Owss?!!!!
"Oh hija? Anong atin?" saad nito saakin habang nakangiti.
Pero ako ay nginisihan ko siya lalong lalo na si Kuya Guard na gulat na gulat ding nandito ako!
"Palamig po ate. Yung pandan flavor" sabi ko.
"Bumibili ka din pala dito,hija" sabi naman ni Kuya Guard.
"Matagal na kuya! Sus mukhang nag cha-chansing ka lang kay ate Vendor!" natatawang bulong ko.
At nakita ko naman itong pinamulahan ng mukha! Baka si ate Vendor ang hinahanap niya noong nakita ko itong palinga linga noon!
"Oh heto na hija" kinuha ko ang palamig at agad kong inabot sakanya ang bayad.
"Mauna na ako sainyo kuya Guard ah? Mukhang may date pa kayo!" natatawang sabi ko. Lalo ko silang inasar dahil parehas namumula!
![](https://img.wattpad.com/cover/300150377-288-k329361.jpg)
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomanceLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...