Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng office ni Yash.
Nakita kong namumula na din ang kaniyang mga mata at batid kong nasasaktan din ito.
Dahan-dahan siyang lumapit saamin at niyakap si Euna.
Sandaling natigilan ang anak ko sa kakaiyak. Tinignan niya ang amang maluha luha nadin.
Nagulat ako nang bumukas muli ang pinto ng kanyang office. Pero sa pagkakataong ito ay sina Karen ang lumabas.
"Maiwan muna namin kayo" nakangiting sabi niya saakin sabay tingin kay Yash.
"Mommy I wanna stay with Daddy!"
"Shh. Later na"
Dinig ko pang sabi nila bago makalayo.
Napapalunok ako nang tumingin si Yash saakin. Iginiya niya kami sa may pintuan at nang makapasok kami ay doon niya pinakawalan ang mga luha.
"Luna, I don't know what's happening right now but- Why does this child looks like me?" hirap na hirap niyang sabi.
Siguro nga kung hindi niya kamukha si Euna,mahihirapan itong kilalanin ng iba,kilalanin niya.
"I'm s-sorry,Yash. Anak mo din si Euna" naiiyak kong sabi.
"So you hide her from me!"
Napapikit ako nang sumigaw ito. Ngunit agad din akong nagulat nang humagulgol na si Euna,mukhang natakot sa inasta ng ama.
"Don't shout at Mommy!" pasigaw na sabi nito habang umiiyak at pilit akong niyayakap palayo kay Yash.
Nakita kong natigilan din si Yash nang sumigaw si Euna.
"I'm sorry,Baby" mas lalo akong napaiyak nang humagulhol nadin siya.
Agad niyang nilapitan si Euna na nagtatagonsa likod ko at niyakap ito. Ako naman ay nagpupunas ng luha habang nakatingin sa mag ama ko.
Maya maya pa ay namalayan ko na lang na nakatulog na si Euna sa bisig ni Yash.
Inilapag niya si Euna sa couch ng kaniyang office.
Ako naman ay kinakabahan na dahil alam kong marami siyang tanong saakin.
Umalis muna siya saglit para may kausapin sa labas pero agad din siyang bumalik na ikinadoble ng kababsa puso ko.
"Let's talk" malamig nitong sabi.
"S-sorry kung t-tinago ko sayo si Euna"
"Euna's her name?" tanong nito.
"Euna Y-yashien"
Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Kasi parang tinutunaw ako sa sobrang lamig nito.
"You named her after us" natatawang sabi niya pero may halong sakit ang pagbigkas niya nito.
"H-hindi ko alam na kambal sana ang a-anak natin" nabigo ako dahil agad na pumiyok ang boses ko.
"A-akala ko wala na tayong a-anak. Pero pagdating namin sa Canada,mabilis akong nahihilo at naduduwal. K-kaya pina check up ako nina Daddy" sabi ko at agad kong pinalis ang luhang kumawala sa mga mata ko.
"Why didn't you tell me? There's so many ways,Luna. How could you-"
"Huwag mo naman sanang isumbat saakin kung bakit hindi ko kaagad naipakilala sayo si Euna,Yash. Kasi sa bawat araw na susubukan ko,hindi ko makaya-kaya. Kasi-kasi nasasaktan padin ako sa mga nangyari noong nakaraan. H-hindi madali saakin ang l-lahat. A-alam mo bang mabuti nga at n-nakayanan kong ipanganak si Euna? K-kasi hirap na hirap ako. I-iniisip ko na s-sana kasama kita. Nang mag labor ako sakaniya alam mo bang pakiramdam ko nag-iisa lang ako? K-kasi iyong mga nanganganak d-doon na iba ay k-kasama ang kanilang mga a-asawa" sabi ko habang humihikbi.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
RomansaLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
