Chapter 2

282 30 1
                                        

Chapter 2: Sorry


Hanggang ngayon ay mariin padin ang titig nito saakin. Yung kanina kong kabang nadoble,ngayon ay sobra sobra pa sa triple.
Hindi ko mapaliwanag ang takot dahil alam kong hindi ako nito tatanggapin.

Panigurado galit siya kasi sa nga tingin niya palang ngayon ay parang pinapatay na niya ako. Nanlamig ako lalo nang maalala ko ang nangyari kanina. Nakakatakot ang pagkatao niya,talagang hindi ko nga siya kilala.

Gusto kong saktan,sabunutan at batukan ang sarili ko dahil sa guilt na nararamdaman. Alam kong may kasalan din ako kanina kasi ang dami kong nasabi sa kaniya. Hindi ko siya nirespeto. Ngayon ay pinag sisihan ko na iyon.

"You're hired" nakangiting saad nito. Kinagat ko ang labi ko dahil alam kong nanginginig na ito.

Masayang masaya si Amy ngunit nang makita niya ako ay napawi ang kaniyang ngiti. Pero nginitian ko siya.

Alam kong guilty siya kasi siya ang piniling secretary ni Mr. Villarreal pero hindi niya naman kasalanan kung hindi ako napili.

"Then, it's means you're fired" bagaman ay nakangiti saakin mababasa mo naman sa mga mata nito ang galit. Galit na alam kong ako naman talaga ang may kasalanan.

Oh Luna! Asan na tapang mo!

"Uhm S-sir? Hindi niyo pa naman po nache-check ang res-" natigil ako nang  umalingaw ngaw ang boses nito sa office.

Mas lalo kong kinagat ang aking mga labi upang pigilang umiyak.

"I said you're fired. You heard right? What's the use of your damn ears then!" sarkastikong sigaw nito saakin.

"Bro,chill" napatingin ako sa lalake na ngayon ay naka awang ang mga labi,gulat din siguro dahil sa kakaibang galit na pinamalas ng kaibigan niya.

Tiningnan nito ang kaibigan ng masamang tingin kaya naman natiklop ito.

"Uhm maybe we should leave them here" sabi nito kay Amy na ngayon ay gulat na gulat din sa pangyayari.

Nang makalabas sila ay hindi ako maka tingin kay Mr. Villarreal. Natutuop ko ang aking mga labi dahil sa tindi ng panginginig nito..

"Speak" aniya ngunit hindi padin ako makapag salita dahil sa kaba at takot.

"I said speak!" napapikit ako at napatalon. Sa buong buhay ko ngayon palang ako nasigawan ng ganito kaya naman iba ang takot ko sa oras na ito.

"O-oo! M-mr Villarreal, sorry po! Hindi ko po sinasadyang masabihan kayo kanina! Sorry talaga po!" nanginginig kong sabi kay Mr. Villarreal habang naka pikit. Hindi ko kayang salubungin ang mga matatalim niyang titig.

"I told you, you don't really know me. So for my revenge, it's fine if I'm gonna firing you" nakangising saad nito. Doon na ako napa tingin sakaniya.

"Ano,uhm sorry po talaga sir. Please po huwag naman pong ganito" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang matalim ang titig saakin.

"No. After you fucking disrespect me,you're going to beg right now?" matalim na sabi nito saakin kaya naman nanglumo na ako.

Marami na akong na apply-an. Pang lima ko na ito kaya kailangan ko nang magkaroon ng trabaho. Nakakalungkot kasi kahit college graduate ako ay hindi padin ako natatanggap. Ano pa ba ang kailangan kong gawin?

Lord,kinakailangan ko na po talaga ng pera para sa pagpapagamot ng kapatid ko.

"Nagmamakaawa po ako Mr. Villarreal" saad ko habang pinaggigiliran ng mga luha. Hindi ako maka tingin sakaniya dahil ayokong makita niya akong naiiyak na.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon