Kung pwede lang baguhin natin ang isang bagay,ginawa ko na. Hindi ko na kasi alam kung kaya ko pang magpakatatag. Kasi paano ako magiging matatag kung ang taong dahilan nito ay nanghihina na at nahihirapan?
Mahina ako lalo na't ganito ang naging sitwasyon ni Eunice. Minsan napapa-isip ako. Ano ba ang kasalanan namin upang mag hirap siya ng ganito? Bakit sa lahat lahat pa ay yung kapatid ko pa?
"G-gusto ko p-papa mag k-kabalikan kayo a-ate ko. G-gusto ko nadin-pahinga" aniya at saglit pang ngumiti kahit sobra sobra na itong nahihirapan.
"Please lumaban ka Nice. H'wag mo kaming iwan oh!" iyak kong sambit dito ngunit umiiling lang ito.
"L-last wish ko nga yun d-diba? Gusto niyo bang mag h-hirap pa a-ako? G-gusto niyo nang m-masaktan pa ako?" mahinang sambit nito.
"M-mahal ko kayo N-nanay.... a-ate.... P-papa" aniya at muling ngumiti.
Mas lalo akong napahagulhol nang unti unting ipikit nito ang mga mata.
Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari. Basta't ang alam ko lang ay pinalabas na kami dahil dumating na ang doctor.
Si Nanay ngayon ay sobra na ang iyak habang nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Eunice habang si Yash naman ay mariin ang pagkakapikit, kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata nang mag mulat ito.
Sobra akong nanghina at nasaktan.
Hindi ko inakalang hahantung sa ganito ang lahat. Hindi ko matanggap na wala man lang akong nagawa para sa kapatid ko.
Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas ito at inilabas ang doctor.
Malungkot ang mga mata nito nang tumingin saamin.
"I'm sorry but the patient didn't survive. We already tried our best but she gave up. I'm sorry" sambit nito at iniwan na kami.
Natulala ako ng ilang beses.
"I'm sorry but the patient didn't survive. We already tried our best but she gave up. I'm sorry"
Muling umulit ito sa aking pandinig na kinabagsak ng mga luha kong nag uunahang tumulo.
Bakit?
"H-hindi pa patay ang anak ko! Eunice anak diba lalaban ka pa!"
Kung walang kumapit saakin ay alam kong mahihimatay na ako.
Hindi padin ako makapanilawala kaya naman unti unting lumapit ako sa katawan ng kapatid kong may takip na ng puting kumot.
Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa mukha nito at tuluyan na nga akong napaluhod dahil sa panghihina.
"Nice? B-bakit-bakit iniwan mo ako?"
sambit ko habang yakap-yakap ang malamig na katawan nito.
"Fvck! Baby why? You already have a heart donor! Why-you didn't wait" napatingin ako kay Yash na ngayon ay lumuluha na din at pinag susuntok ang pader.
Kahit na namghihina ako ay pinilit kong lapitan ito at niyakap. Nanginginig ang mga kamay niya nang yumakap ito pabalik saakin.
Patuloy kaming umiiyak at humagulgol.
Yun na nga eh. May heart donor na siya! Pero bakit kinuha na agad siya saamin?
Gusto kong sisihin ang sarili ko. Kasi kung nakahanap at nakapag ipon lang sana ako ng pera ay siguro buhay pa siya ngayon.
BINABASA MO ANG
When Love Lasts |✓
Storie d'amoreLuna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man named Yash Oliver. Behind his life there's a past that affected Luna. She fought,leave,gave up and...
