Chapter 7

176 15 0
                                        

Chapter 7:Drunk


"Nagka boyfriend ka na ba noon?" agad akong umiling sa tanong ni Amy saakin.

Oo aaminin kong naki-fling lang ako pero yung serious relationship? Hindi eh.

Ngayon ko lang kasi naramdaman ang pakiramdam na ito. Kakaiba na may kasamang saya at sakit.

"Maganda lang ako pero hindi pa ako nag-ka-boyfriend!" natatawang sabi ko dito.

"True. Pero totoo talaga na NBSB ka?"

Ang kulit din naman ni Amy,sinabi nang oo eh.

"Oo nga!" inis kong singhal sakaniya.

"Ako isa ang ex ko. Linoko ba naman ako! Tapos kinaumagahan pumunta saakin mahal pa niya daw ako!Ano ako tanga? Pakatapos niyang pagtaksilan,magmamakaawa pa saaking balikan ko pa daw! " nanggigigil na saad ni Amy na kinatawa ko.

Eto ang problema kaya hindi ako nag-ka-boyfriend noon. May mga naging crush din ako pero agad ko din namang nalimutan dahil ang iniisip ko noon ay maloloko lang ako.

"Masaya bang magkaroon ng boyfriend?" curious kong tanong.

"Sa una masaya pero sa huli masakit. Kasi dumadating sa point na nag sasawa na sila kaya magloloko. Pero ang mas masakit ay yung na-realized lang nila na mahal ka nila kapag wala ka na sa piling niya. Alam mo 'yun? Yung feeling na huli na ang lahat kasi nadurog ka na pero tsaka lang nila malalaman na mahalaga ka pala sakanila" aniya.

Napaisip naman ako.

Paano kung sa hinaharap ay gano'n ang mangyari saakin? Paano kung ang future boyfriend ko ay magsawa saakin? Siguro mas masasaktan ako dun.

"Pero alam mo Luna? Ngayon lang ako nasaktan ng ganito" napabaling ako kay Amy na ngayon ay seryong nakayuko.

Sinasabi ko na nga ba! Hindi lang ako ang may problema dito!

Kahit nakangiti siya ay makikita mo sakaniyang mata ang lungkot na nadarama niya.

"Bakit anong nangyari?" takang tanong ko dito.

Huminga lamang siya ng malalim bago nagsalita.

"Hindi lang ikaw ang may gusto. Ako din may nagugustuhan din ako. At alam mo ba ang masakit? Todo papansin ako,lahat ginagawa ko. Pati mga damit ko ginagandahan ko para sakaniya. Pero alam mo 'yun? Parang wala lang sakaniya" aniya sa malungkot na boses.

Hindi ako sanay na malungkot si Amy. Kasi gaya ko masiyahin din siya.

Kita mo nga naman,lalake lang ang nagpaganito saamin!

"Eh 'wag ka munang mawalan ng pag-asa. Malay mo may gusto din pala saiyo 'yun" sambit ko dito para naman gumaan din ang loob niya.

"'Yun na nga eh. Iyon yung pinakamasakit kasi na-reject ako! Alam ko namang hindi kami bagay. Pero alam mo kung anong ikinadurog ng puso ko? Ininsulto niya ako Luna. Sakin kasi okay lang kung rejection lang kung baga. Pero  hindi eh kasi ininsulto niya pagkatao ko" hindi na napigilang maiyak ni Amy kaya lumapit ako sakaniya at yinakap ito.

"Sino ba ang lalaking iyon?" inis kong tanong habang hinahagod ang likod niya.

Nasasaktan din ako para kay Amy. Siguro kung saakin nangyari iyon? Kung ininsulto ako ni Sir Yash? Siguro nadurog na ako. Kakaiba kasi ang mainsulto. Lalong lalo na kung ang nang-insulto saiyo ay iyong taong hinahangaan mo.

Alam kong masakit ito kasi sa nakikita ko sa kaibigan ko,nahihirapan siya.

"Si sir Hans Luna!" aniya at mapaklang tumawa.

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon