Chapter 5

200 17 1
                                    

Chapter 5:Just Friend

"Do I have a meeting today?" tanong ni sir Yash saakin.

"10: 00 am appointment with Mr. Caluag po Sir."  saad ko.

Araw araw hindi nawawalan ng appointment si Sir Yash. Marami silang kaso-syo sa mga businesses nila.

"What time is it then?" tanong pa nito. Dali dali naman akong tumingin sa binili niyang relo saakin noong nakaraang araw.

"9:00 am po" saad ko.

"Tumawag ka sa baba. Tell them to bring us here an snacks" napatango naman ako.

"Hello? Secretary po ito ni Sir. Yash. Padalahan daw po dito ng snacks"

"Copy po ma'am. Wait nalang po kayo ng 5 minutes"

"Sige po salamat" pagkatapos nun ay tinapos ko na ang tawag.

"Hello Bro!!! " nagulat ako kaya tumingin ako sa pinanggalingan ng sigaw.

Nakita ko si Sir Hans na ngayon ay nakaakbay kay Sir Yash. Sa gilid niya naman ay nakita ko si Amy kaya lumiwanag ang mata ko at dali daling lumapit sakaniya.

"Amy!" tawag ko dito sabay sakap. Matagal tagal ko na din kasing hindi nakikita ito.  Masyadong busy kami sa trabaho.

"Luna! Kamusta ka na?" saad nito.

"Okay lang naman tingnan mo oh maganda padin" sabay kindat ko dito.

"Tss. you're just assuming things" natigil ako nang mag salita si Sir Yash.

Inismiran ko ito bago nagsalita. "Hindi ako assuming sir! Nagsasabi lang ako ng totoo!"

"Yash bro! I think kailangan mo nang magpa check ng mata!" natawa naman ako kasi pinagkaisahan namin si  Sir Yash.

Maya maya pa ay dumating na ang snacks namin. Mabuti nalang at marami iyon kaya kasya naman saaming apat.

"Ayus naman ba trabaho mo dito?" pagkuwaan ay tanong ni Amy saakin.
Nasa may veranda kami kasi nag uusap din ang boss namin sa loob.

"Oo. Ayus lang naman. Nag iiba nadin ang pakikitungo saakin. Alam mo? Galit na galit yan saakin noong una eh diba? Ngayon bumabait na din!" natatawang sabi ko dito.

"Mabuti naman kung ganon! Mukhang may tama ka kay Sir Yash ah" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Amy.

"Luh? Hindi ah!" agad kong tanggi.

"Sus! Babae din ako Luna! Okay lang yan pero sana hindi ka masaktan" nakangiting saad nito saakin.

Saglit pa kaming nag kuwentuhan at sandali pa ay umalis nadin sila Amy.

"Sir? 9:45 am na po. 15 minutes pa po bago ang appointment niyo" sabi ko habang nakatingin sa relo.

"Yeah. I'll get goin. Just stay here and if-" pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Secretary niyo po ako Bossing kaya dapat kasama niyo ako palagi!" saad ko ngunit matalim ang titig nito kaya tiklop naman ako.

"Oo nga Sir sabi niyo nga" kamot noong sabi ko naman. Baka kasi magalit pa siya.

Nang umalis na ito ay naiwan na lang akong mag isa sa office niya.

Wala naman akong ginagawa kaya tatawagan ko na lang sina Nanay.

"Hello ate?" napangiti ako nang si Eunice ang sumagot.

"Hello Eunice! Nasaan si Nanay?"

When Love Lasts |✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon