Itinulak ko siya sa loob ng bus habang hinaharangan ko ang pintuan nito. Paulit-ulit kasi niyang sinisipat ang kotse niya na naka-park sa tabi habang ako ay todo sa pag-tulak sa kanya papasok ng sasakyang ito.
"Manong, i-andar mo na 'yan! Now!" Umandar ang sasakyan at tuluyan na siyang walang magawa kung hindi ang sumunod na lang sa akin. Umakyat ako sa taas at itinulak siya sa isang tabi. Iginala ko ang mga mata ko para maghanap ng dalawang bakanteng upuan pero tila puno na ang lahat ng ito. Naglakad papunta sa pwesto ko si Forbe at ginulo ang buhok ko.
"Ano nanaman ba ang plano mo ha?" tumingin ako sa kanya na nakasimangot at ginulo rin ang buhok niya. Nainis siya at sa sobrang inis niya at isinuot nanaman niya ang kulay red na hoodie na paborito niya.
"There. Now try to shake my hair once, again," ngiti niya sa akin habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa kanyang ulo. Inambahan ko siyang susuntukin ko siya at napaurong siya nang ilang hakbang.
"Ayan! Wala na tayong maupuan tuloy. Standing ovation nanaman tayo. Ang arte mo kasing lalaki ka, e!" nagsisigawan kaming dalawa sa harap ng maraming tao. Imbes na mainis sila ay tuwang-tuwa pa sila sa aming dalawa. Para bang nanunuod sila ng teleserye. Karamihan sa kanilang mga mata ay nakatitig kay Forbe, lalong lalo na ang mga dalagang nakaupo sa harapan.
"Where are we heading to? You should have just told me. I have my car. I can just bring you anywhere!" tumataas ang boses niya habang ipinapaikot niya ang susi ng kotse sa mga daliri niya. Sinubukan kong kinuha ang susi sa daliri niya pero itinaas niya ang kamay niya kaya tuluyan ko nang hindi ito naabot. Napapansin ko lang, kanina pa niya ako sinusupladuhan pero bakit hindi ata ako nag-rereact sa mga sigaw niya.
"If we used your car, probably, you would just drag us anywhere. Sa place na gusto mo and sa place na comfortable ka. I think, this is the best way for us to clear both of our sides. Without pretensions, without limitations. Just the both of us. What do you think?" tinititigan ko siya sa mga mata niyang naniningkit habang pakiramdam ko ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. Just by looking at his eyes, you know he's panicking inside.
"You crazy woman!" sigaw niya sa akin habang nanggigigil siya. Naghuhurimintado na ang dila ko na sabihin sa kanya na,"I'm crazy, but so what, you still love me though," pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ang bagay na iyon. Patuloy na umaandar ang bus kahit pareho kaming walang alam kung saan kami pupunta. Hanggang tuluyan nang lumapit ang konduktor sa amin at nag-bigay ng ticket.
"Ma'am and Sir, saan po kayo?" nagising ang diwa ko. Makita-kita ko na lang e nakayakap ako kay Forbe at nakasandal sa katawan niya habang siya ay nakahawak sa isang pole at nakatulog na rin. Tinitigan ko si Manong atsaka ko ibinalik ang aking tingin kay Forbe. Sa saktong pag-lingon ko sa kanya ay bigla naming dumilat ang kanyang mga mata. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at tumayo para lapitan si Manong Konduktor. It's been a little awkward, but I just saw him secretly smiling.
BINABASA MO ANG
Let Love Do The Magic [COMPLETED]
Teen Fiction[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to become lovers like how they used to be before? Is love strong enough to finally unite two people who have accidentally forgotten each other just...
![Let Love Do The Magic [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/19281865-64-k27482.jpg)