Ikalabingapat na Kabanata: Patibong sa Patibong

472 25 6
                                        

"Lourdes!" sigaw ni Armie na nasa tabi ng isang puno na malapit sa gate ng school namin. Napatingin ako sa kanya at biglaan kong inayos ang salamin ko tsaka naglakad nang medyo mas mabilis. Hahabulin nanaman ako nitong babae na ito at tatadtarin ng mga tanong niyang paulit-ulit.

Hinigit niya ako sa bandang kanang kamay ko atsaka inakbayan ako. Napalunok ako at inihanda na ang taenga ko sa mga tanong na uulan sa akin. Hayyyy, buhay ko nga naman talaga oh. Paulit-ulit na lang na ganito.

"Hoy! Nilalayuan mo ba kami? So, ganyanan? Purket may poging manliligaw e lalayuan na kami? Taray 'te! Haba ng buhok! Kalbuhin kita, e," pinilit ko na lang ngumiti sa kaniya at mabilisan na nag-isip nang mairarason sa kanya,"Teka, hindi ako nililigawan nun ni Forbe, kaibigan lang at kakilala ko 'yon," nanlaki ang mga mata niya at iwinagayway niya ang buong kamay niya sa mukha ko,"Haleerrr? Lokohan tayo dito ate ko? Hindi nililigawan pero hinaharana? Taray! Lakas maka-confidential 'te! Kaming mga bestfriend mo hindi mo kinukwentuhan. Anyare sa'yo? Simpleng kerengkeng ano?" hinampas niya ako nang hindi kalakasan sa braso atsaka inakbayan ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ko naging kaibigan ang mga ito. Magkaibang-magkaiba ang mga trip namin at ugali namin, pero tumatagal pa rin tatlo. Sila maingay at naghahanap palagi ng boyfriend ako e tahimik lang atsaka walang pakialam sa buhay love life.

"Ano ka ba Armie, para namang hindi mo ako kilala. Wala akong pakialam d'yan sa ganyang bagay. Atsaka isa at kalahating dekada na akong Single, ngayon pa ba ako hahanap? Pshh," sagot ko sa kanya habang paulit-ulit na tumitingin sa paligid ko. Lahat ng babae e nakatingin sa akin at mukhang pinagkukuwentihan nila ako. Ikaw ba naman ang haranahin ng isang heartthrob at Adonis na lalaki sa buong school e hindi ka pa ba kakainggitan?

"Ay taray mo 'te! Carbonara na ang lumalapit sa'yo, Pansit pa ba pipiliin mo? 'Wag mo nang pakawalan 'yan hoy! Nagkaroon na nga ng milagro at ikaw ang nagningning sa mga mata niya, ikaw pa ba ang choosy?" hinampas ko siya ng aklat ko nang hindi kalakasan atsaka ngumiti,"Ano ka ba, si Forbe 'yon Armie. I am so out of his league. Loving him would be so much complicated," Humarang siya sa dinadaanan ko at hinawakan ako sa dalawang braso ko.

Nanlaki ang mga mata niya at nagpapalak-pak siya sa harapan ko,"Wait! So, totoong nililigawan ka ni Forbe?! Oh my gosh! Totoo?!" I scoffed and waved my head,"Hindi. Okay ka na? Ma-lelate na ako sa klase ko. Tumabi ka na Armie! Wala ka bang klase?" umiling siya atsaka tinignan ako muloa ulo hanggang paa,"Nagtataka ako, patok na patok ang beauty mo kay Forbe ate ko, anyareh? Anong kulam ang ginawa mo?" hindi ko alam kung bakit natawa ako sa sinabi niya kahit medyo panglalait ang dating nun sa akin. Tinignan ko siyang masama atsaka matindi kong hinahawakan ang libro ko. Alam na ata niya na hahampasin ko siya ng makapal na libro na hawak ko kaya medyo nag-lie low siya sa pagsasalita.

"At the count of three, kapag hindi ka pa umalis sa harap ko, babakat ang mga letra ng Acknowledgement nitong libro na hawak ko sa mukha mo, Armie!" napalunok siya pero hindi pa rin siya gumagawa nang kahit isang hakbang palayo sa kinatatayuan niya. Binuklat-buklat ko ang pahina ng libro nang mabilisan tsaka tumingin ulet sa kanya,"3," mabilis na pag-banggit ko. Napalunok siya at napahawak sa bag niya,"Hoy! Teka, hahampasin mo ang bestfriend mo ng libro mo?!" hinigpitan ko pa ang hawak ko sa libro ko atsaka nag-patuloy sa pagbibilang,"2," isinarado niya ang dalawa niyang paa. Kitang-kita mo sa mukha niya 'yung pagaalanganin kung tatakbo na ba siya o guguluhin pa ako,"1," binantaan kong hahampasin ko siya at tuluyan na siyang tumakbo nang mabilisan palayo sa pwesto ko. 'Yung babaeng 'yon talaga, kung hindi mo pa babantaan hindi ka lulubayan," Bye! Hindi pa tayo tapos, Lourdes! Mapanakit kaaaaaaaaa!"

Kahit sa loob ng klase ko ako pa rin ang topic nila. Kahit sila Kristine, Carmen atsaka Justin e iba rin ang tingin sa akin. Anong nangyayare?! Bakit tila pagkagising ko e ibang mundo nanaman ang ginagalawan ko?! Tumingin ako sa likuran ko at naandoon si Forbe, nakasampa ang dalawa niyang paa sa harap ng desk niya atsaka nakapatong ang dalawa niyang kamay sa ulo niya. Nang nakita niyang sumulyap ako sa kanya, ngumiti siya atsaka kumindat. Tinignan ko siya nang nakakairita atsaka tumingin ule doon sa professor namin na nagtuturo. Napa-face palm na lang ako atsaka napailing.

Let Love Do The Magic [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon